Paglabas ni Raffy Tulfo sa ASAP Natin ‘To, umani ng iba’t ibang reaksiyon ng netizens

Naging surpresa para sa karamihan ng netizens ang pag-guest ng sikat na radio and TV personality na si Raffy Tulfo sa ABS-CBN musical variety show na ASAP Natin ‘To ngayong araw, September 19.

Nasanay na kasi ang publiko na sa TV5 lang napapanood si Raffy Tulfo na mas kilala bilang “Idol Raffy” o “Tulfo.”

Kaiba sa kanyang role na sumbungan ng publiko o takbuhan ng mga nangangailangan, ipinakita ni Tulfo ang kanyang talento sa pagkanta sa ASAP stage.

Nakasama niya sa isang production number sina Zsa-Zsa Padilla at Nina.

Marami tuloy ang napatanong kung ano nga ba ang dahilan sa biglaang pagsulpot nito sa nasabing musical varitey show.

May ilan ding nagsabi na marahil ay may balak itong pumasok sa pulitika at ang paglabas nito sa ABS-CBN ay simula na ng pagpaparamdam nito sa publiko.

Naging trending topic agad sa Twitter ang nasabing guesting niyang ito.

Narito ang ilan sa tweets ng mga netizen.

Panoorin ang buong performance ni Tulfo dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: