Controversial PBB housemate Russu Laurente, evicted na

Sa ikalawang eviction night ng Pinoy Big Brother (PBB) Connect ay tuluyan na ngang lumabas ng bahay ni Kuya ang tinaguriang Bunsong Boksingero ng General Santos na si Russu Laurente.

Screengran: YouTube | ABS-CBN

Sa pinagsamang boto mula sa text at Kumu, lumabas na si Russu nga ang nakakuha ng pinakamababang boto sa tatlong nominado kasama sina Aizyl at Crismar.

Screengrab: YouTube | ABS-CBN

Matatandaang naging kontrobersiyal sa mga nakaraang araw si Russu dahil sa usapin ng ABS-CBN shutdown.

Lumutang sa Twitter ang isang lumang tweet niya na nagpapahayag ng suporta sa pagpapasara ng Kapamilya network.

RELATED POSTS:

PBB housemate Russu, umamin na sa anti-ABS-CBN tweet

Robi at Bianca, nagkomento na tungkol sa PBB housemate na kontra sa ABS-CBN

Sa episode noong nakaraang gabi ay umamin na nga siya sa mga kapwa housemates tungkol sa naging stand niya pagdating sa usapin ng pagpapasara ng ABS-CBN network.

Personal niya ring kinausap si Big Brother o Kuya upang humingi ng paumanhin.

Agad namang tinaggap ni Kuya ang paghingi niya ng tawad sa naging pagsuporta niya sa pagpapasara ng network na kinabibilangan rin ng PBB.

Umani ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

Screengrab: YouTube | ABS-CBN

Sa kaniyang paglabas ng bahay, nagpasalamat siya sa mga taong sumuporta sa kaniyang journey sa loob ng bahay ni Kuya.

Humingi rin siya ng paumanhin sa mga Kapamilya na maaring nasaktan niya.

Sa lahat po ng Kapamilya, sorry po ulit. Mahal na mahal ko po kayo.

Samantala, iba-iba naman ang naging reaksiyon ng mga netizens sa Twitter.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

One thought on “Controversial PBB housemate Russu Laurente, evicted na

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: