Sa kasagsagan ng isyu ng ABS-CBN shutdown, kasama sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez sa mga Kapamilya artists na matapang na nanindigan sa kanilang suporta sa Kapamilya network.
Kaya hindi na kataka-taka kung vocal din sila sa lahat ng issues na may kinalaman sa shutdown.
Kahapon nga ay hindi na napigilan ng dalawang Pinoy Big Brother (PBB) Connect hosts na magkomento tungkol sa issue ng isa sa mga PBB housemates na si Russu Laurente.
Napag-usapan kahapon ang pagsuporta ni Russu sa pagpapasara ng network.
Sa isang lumang tweet noong hindi pa siya housemate ay lantaran ang ipinakitang suporta niya sa pagpapasara ng ABS-CBN. (Basahin dito ang kaugnay na post.)
Ang nakalagay sa tweet:
Wag nyo tripan presidente namin. Mag mantinir mig GMA ngano man diay
— 😊 (@russulaurente) April 2, 2020
Sa isang walang-prenong usapan nina Robi at Bianca sa kanilang primetime show kahapon, direktang ibinuhos ni Robi ang kaniyang saloobin.
Walang kinalama ang PBB dito. This is just me. Pero gusto kong ibalik ‘yong sinabi niya dati doon sa naging issue niya with Aizyl, ‘We can forgive, but we will never forget.’
Dagdag pa niya:
Ito ang tinig ng mga nawalan.
Nakakahiya naman. Mahiya ka naman na gusto mong masarado ‘yong isang programa… tapos sasali ka rin?
Para kay Bianca naman:
Ang siguro nakakalito is kung isa kang tao na naniniwalang kaya ng PBB na matupad ang iyong mga pangarap sa buhay, bakit ka magsasabi na gusto mong magsara ang network kung saan pinapatakbo ang Pinoy Big Brother?
The ABS-CBN shutdown will always be a personal issue for Kapamilyas. It wasn’t just jobs that they lost but dreams, aspirations and for some, their lives.
So enough with the hypocrisy. 2021 na.
Forgive but never forget.
— Mike Navallo (@mikenavallo) January 2, 2021
“Why join PBB?”
“Kasi po gusto ko maging artista may friends kasi ako na artista pero at the same time masaya po ako na ipinasara ang kumpanya niyo.”
Imagine how ridiculous it sounds. BBE.
— Kevin Manalo (@kevinmanalo_) January 2, 2021
BBE because we have to stop giving platform to people who support a culture of impunity, who is against a critical media, and who are opportunists. That slot should be reserved for inspiring Filipinos.
— Kevin Manalo (@kevinmanalo_) January 2, 2021
One thought on “Robi at Bianca, nagkomento tungkol sa PBB housemate na kontra sa ABS-CBN”