Nag-viral sa social media ang isang CCTV footage kung saan naaktuhan ang pagnanakaw ng isang lalaki sa isang nakaparadang sasakyan.
Makikita sa simula ng footage ang pagdating ng lalaki na nakamotorsiko.
Ang motorsiklong sinasakyan nito ay may delivery box na may tatak ng isang sikat na food delivery service subalit hindi naman ito nakasuot ng uniporme ng nasabing delivery service.
Hindi tuloy matukoy kung totoong delivery rider ito o ginamit lamang na “props” ang delivery box.
Pagdating nito, agad itong luminga-linga sa paligid at tila sinisigurong walang taong nakakakita sa kanya.
Umikot-ikot ito sa paligid ng isang nakaparadang sasakyan.
Tila may hinahanap ito sa kanyang pasimpleng pagligid-ligid.
Nang tila may makita ito, muli na naman itong pumwesto sa tabi ng kanyang motorsiklo at tila kumukuha ng tiyempo.
Matapos masigurong walang ibang tao sa paligid ay dali-dali itong lumapit sa bintana ng sasakyan at mabilis na binasag ito.
Agad din nitong sinampa ang harapang bahagi ng sasakyan at may dinukot na gamit mula dito.
Pagkatapos nito’y muli siyang sumakay sa motorsiklo at mabilis na umalis sa lugar.
Agad kumalat sa social media ang nasabing video at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).
“hiniram lng grab box malamang.”
“Baka ninakaw lang din nya sa isang grab rider ang grab bag na yan, feeling ko di sya rider.”
“yan yung klase ng tao na mataas ang pangarap pero ayaw mag banat ng buto”
“hindi po tlga nagiiwan ng importanteng gamit lalo na kung nakapark sa open area dahil takaw tingin po tlga. madami na nabasagan dto sa tondo”
“Grabe yung tinulak lang ung Salamin josko”
“yan po yung literal na “grab” para po sa mga di nakakaalam.”
“Yung nglalakad ka lng tas napagbintangan kapang kasama ng mgnanakaw ๐๐๐๐”
“Hindi siguro legit na grab driver yan, malamang props lang yarn para makapag nakaw ๐ฅบ”
“nadamay pa ung isang nakapula hahaha”
“beterano galawan ๐ ๐ d sa grab yan wala naman nag aaccept sa grab na walang plaka mutor ee modus nia cguro kunyare grab cia”
“kunyari lng yan grab..sya pero bsag kotse talaga trabaho nyan sanay n sanay eh!”
“Nanonood lang ako pero bakit bigla ako kinabahan kasi may biglang dumating at baka di makuha ni kuya yung pakay nya ๐๐”
“hindi totoong grab yan walang cp holder e.”
“Grab pero png foodpanda yung damit hahaha”
“Hindi yan legit na grab driver. May plaka po lahat ng delivery partner namin. ๐”
“Nagkukunwari lng yan na Grab driver๐๐๐at bka ninakaw pa ung Box ng grab๐๐๐”
“tingin ko hnd tlg grab rider yan. well trained e. props lang yang grab kuno pra makpag matyag. hnd mpag dudahan agad.”
“Ayus, napakinabangan na niya ang mga ntutunan niya sa youtube, sbi na ba mgagmit i2 sa pagnanakaw”
“Kaya wag mag iiwan ng mahalagang gamit sa sasakyan. Kami nga kung may iiwan, nilalagay namin sa pinakailalim ng upuan”
“Ska if legit grab yn.. I think dpat db nka green long-sleeve? Or pede po tlgng hndi?”
“Ako kinakabahan baka mahuli eh. Antagal natapos.”
Panoorin ang nasabing viral video dito.
@jhadan23##fyp ##fooddelivery ##grabfood ##foryou ##foryoupage ##viral ##tiktokphโฌ original sound – Jhadan23