Pagbabalik ng JaMill sa YouTube, umani ng iba’t ibang reaksiyon ng netizens

Ilang linggo lamang pagkatapos mag-delete ng kanilang YouTube channel, muling nagbabalik sa mundo ng vlogging sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad na mas kilala bilang JaMill.

Sa unang vlog nila sa kanilang bagong channel, ipinaliwanag nila kung bakit sila nag-delete ng kanilang channel.

Ayon kay Jayzam, naging masalimuot ang pinagdaanan ng kanilang relasyon ngayong 2021.

“Matagal na kaming nagiging toxic. Okay kami sa araw-araw noon kasi nasa healing stage kami ni Camille. Di talaga maganda ‘yung mga nangyayari sa amin. Pangit ng 2021 sa ‘min.

“Dito kami sinubok. Sinubok ang relasyon namin sa iba’t ibang klaseng paraan. ‘Yung mga alam n’yo at mga bagay na ‘di n’yo alam.

“Walang umaawat sa ‘min. Mas nakakatakot nga ‘yung ‘pag nasa mali ka, mapi-feel mo na tama lahat ng ginagawa mo. Pero kapag humaharap ka na sa tama, saka ka hinahatak ng mga kampon ng kadiliman.”

Panoorin ang kabuuan ng kanilang paliwang dito.

Matatandaang nasurpresa ang kanilang mga tagasubaybay sa biglaang pagbubura ng kanilang YouTube channel na noo’y mayroon nang mahigit 12 million subscribers.

Samu’t saring espekulasyon ang noo’y naglabasan tungkol sa kanilang pag-alis sa YouTube.

May ilang nag-akala na baka isa lamang itong prank at kalaunan ay magbabalik din ang dalawa.

May mga nagsabi naman na baka may kinalaman ito sa paniningil ng buwis ng Bureau of Internal Revenue o BIR mula sa mga kinikita ng mga social media influencers.

Hirit ng ilan, baka paraan ito ng dalawa upang makaiwas sa pagbabayad ng buwis mula sa kinikita nila sa kanilang channel.

At sa kanilang pagbabalik, muli silang gumawa ng ingay sa social media.

Naging trending topic agad sila sa Twitter ilang oras matapos nilang i-upload ang kanilang bagong vlog.

Narito ang ilan sa mga tweets ng netizens.

https://twitter.com/eatmeanthony/status/1438147033630531584

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!