Paolo Contis, inaming nakasama si Yen Santos sa Baguio sa gitna ng hiwalayan nila ni LJ Reyes

Sa pamamagitan ng isang mahabang post sa kanyang social media accounts, isa-isang sinagot ng aktor na si Paolo Contis ang mga isyung ibinabato sa kanya nitong mga nakaraang araw.

Matatandaang mas pinili ni Paolo na huwag munang magsalita tungkol sa issue ng hiwalayan nila ng asawang si LJ Reyes.

Sa isang interview kay Boy Abunda ay kinumpirma mismo ni LJ ang katotohanan tungkol sa nasabing hiwalayan.

Umugong ang bulung-bulungan tungkol sa mga posibleng dahilan ng kanilang hiwalayan matapos ang nasabing interview.

Sa kanyang post ay kinumpirma naman ni Paolo ang pagkakaroon ng third party sa pagitan nila ni LJ at buong-pagpapakumbabang humingi ng paumanhin hinggil dito.

“Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama.

“I’m not proud of it.

“For that, I’m sincerely sorry.

“I’m truly ashamed of my actions.”

Sa kabila ng kanyang pag-amin, tila inabsuwelto naman niya sa issue ang leading lady niya sa pelikulang “A Far Away Land” na si Yen Santos.

“She was never the reason of our break up.

“I was.

“Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me.

“Masyado niyo siyang diniin sa issue na to.

“Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano.”

Maliban sa pelikulang pinagsamahan nilang dalawa, naglabasan din sa social media ang ilang candid photos ni Paolo kasama ang isang babae na ayon sa mga netizens ay si Yen.

Ito marahil ang naging basehan kung bakit nadadamay si Yen sa usapin ng hiwalayan.

Nilinaw naman ni Paolo ang tungkol sa pagkikita nila ni Yen sa Baguio.

 

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip.

“Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.

“She went there as a friend.

“Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito.

“I’m sorry for this.”

Sa kabila ng lahat ng ito, humingi ng paumanhin si Paolo sa lahat ng nadadamay sa issue.

Kabilang na dito ang kanyang ina, at sina Lolit Solis at Cristy Fermin na binabatikos dahil sa ginagawa nilang pagtatanggol sa kanya.

Humingi rin siya ng paumanhin kay LJ.

“To LJ, I’m very sorry. For everything. Sa lahat lahat.

“I will work on making myself a better person and learning from this.

“But for now, please respect our privacy and pray for us.

“Ngayon kung hindi pa po kayo pagod, please direct all your hate and bashings at me.

“No one else deserves it, ako lang. Thank you.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: