Iconic alien character na si Kokey, ginampanan nga ba ni Mahal?

Dahil sa bigaang pagpanaw ng komdyanteng si Mahal o Noeme Tesorero sa totoong buhay, muling binalikan ng netizens ang naging ambag niya sa mundo ng showbiz.

Muling nahalukay ng ilan ang mga impormasyon sa mga nilabasan niyang TV shows at pelikula.

Isa sa mga unang naging programa ni Mahal ang GMA-7 noontime show na Lunch Date.

Taong 2003 nang mas nakilala si Mahal bilang bahagi ng ABS-CBN noontime show na Masayang Tanghali , Bayan.

Dito niya nakasama ang naging ka-tandem niya na si Mura o Allan Padua sa totoong buhay.

Kasama sa mga nahalukay ng netizens ang pelikulang Kokey ng Star Cinema noong 1997.

Ang pelikulang ito ay pinagbidahan ng noo’y bata pang si Carlo Aquino at ang alien na si Kokey.

Marami ang nagulat na si Mahal pala ang gumanap na Kokey sa nasabing pelikula.

May costume kasi na suot ang nasabing karakter kung kaya’t hindi rin makikilala talaga kung sino ang nasa likod ng nasabing costume.

Ilang netizens ang nag-post sa social media ng ending credits ng nasabing pelikula at dito nga makikita ang pangalan ni Mahal sa cast of characters bilang si Kokey.

 

Maging sa Wikipedia ng nasabing pelikula ay pangalan ni Mahal ang nakalagay na gumanap bilang Kokey.

Sa report ng entertainment website na pep.ph, kinumpirma nila sa bida ng nasabing pelikula na si Carlo Aquino kung totoo ngang si Mahal ang gumanap na Kokey sa pelikula.

Kinumpirma naman ito ni Carlo at sinabing totoong si Mahal nga ito.

Dahil sa nadiskubreng ito ng netizens, marami rin ang nalungkot dahil tila hindi nagkaroon ng interview noon si Mahal tungkol sa nasabing iconic character.

Sobrang sumikat kasi ang alien character na ito sa mga batang 90s.

Nakilala rin ang nasabing karakter sa TV adaptation nito noong 2007 at 2010 sa ABS-CBN.

Narito ang ilan sa mga naging reksiyon ng netizens tungkol dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!