James Reid at Nadine Lustre, nagkabalikan na?


Ayon sa ulat ng pep.ph, may dapat ipagbunyi ang mga JaDine fans.

Ito ay ang umano’y pagbabalikan nina James Reid at Nadine Lustre.

Ayon sa report, kinumpirma ng ilang malalapit sa dalawa ang kanilang pagbabalikan ngayong panahon ng pandemya at pati na rin ang umano’y muli nilang pagsasama sa bahay ni James sa isang exclusive subdivision sa Quezon City.

Ang bahay na ito ay una na ring napabalita na ipinagbibili ni James matapos ang kanilang hiwalayan noon.

Matatandaan na noong January 2020 ay umugong ang balita ng hiwalayan ng JaDine matapos lumabas ang artikulo sa isang sikat na pahayagan.

Di nagtagal ay kinumpirma rin ito ng dalawa sa pamamagitan ng isang joint statement na binasa ni Boy Abunda sa prorama niyang Tonight With Boy Abunda.

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula sa kampo nina James at Nadine.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: