Trending ngayon sa Twitter ang BBE Russu matapos kumalat ang isang video clip mula sa livestreaming ng Pinoy Big Brother (PBB) Connect na may kinalaman kay housemate Russu Laurente.
Ang “BBE” ay ang pamamaraan ng pagboto ng viewers para i-evict o paalisin sa PBB house ang isang housemate.
Matatandaang kamakailan ay kumalat din sa Twitter ang isang lumang tweet mula kay @russulaurente na pumapanig sa pagpapasara ng ABS-CBN. (Basahin dito ang kaugnay na post.)
Wag nyo tripan presidente namin. Mag mantinir mig GMA ngano man diay
— 😊 (@russulaurente) April 2, 2020
Noong una ay hindi malinaw kung totoo ngang kay Russu ang nasabing account at tweet. Pero sa teaser na ipinakita kagabi sa PBB at sa mga kumakalat na video clips na kuha mula sa livestreaming, umamin nga mismo si Russu na isa siya sa mga nagnais ipasara ang ABS-CBN.
Sa teaser para sa January 2 episode, ipinasilip ang pag-amin ni Russu sa kaniyang mga housemates tungkol sa kaniyang stand sa ABS-CBN shutdown.
Ang sabi niya:
Nag-yes ako. Yes to ABS-CBN shutdown.
Sa kumakalat na mga video clips naman, makikitang kausap ni Russu Haira habang naglalakad sila paikot sa swimming pool.
Hindi malinaw kung ano ang pinagmulan ng kanilang pag-uusap at kung ano ang nag-udyok para mapag-usapan ang ABS-CBN shutdown.
Dito makikitang direktang umamin si Russu sa paninindigan niya tungkol sa pagpapasara ng network.
Nag-yes ako sa ABS-CBN shutdown kasi alam mo naman ang social media ay napaka-grabeng mag-influence. At lahat ng friends ko sa social media na ‘yan ay from Mindanao. At alam n’yo naman na pag Mindanao, susuportahan talaga nila ‘yong.. kilala mo na… ‘Yong nagpasara ng ABS. And ‘yon, parang na-influence ako na ‘yong side lang nila ang nalaman ko o napakinggan ko. Hindi ko napakinggan ‘yong kabilang side.
Umani ito ng sari-saring reaksiyon mula sa mga netizens hanggang sa mga-trending na nga ang pangangampanya na iboto si Russu para tuluyan nang mapaalis sa PBB house.
2 thoughts on “PBB housemate Russu, umamin na tungkol sa anti-ABS-CBN tweet”