Mga larawan ng poging pari na nag-viral sa social media, edited nga ba?

Kumalat sa social media kamakailan ang mga larawan ng isang pari na umani ng papuri ng netizens dahil sa taglay nitong kaguwapuhan.

Nagsimulang lumutang ang mga larawang ito matapos mag-post si Fr. Ranhilio Aquino at i-tag si Father Ferdinand Santos.

Agad na napansin ng mga netizen ang taglay nitong kaguwapuhan kung kaya naman nag-viral ang mga larawan nito.

Kasabay ng pagkalat ng mga larawan ng nasabing pari ay ang pagkuwestiyon ng ilan at pagsasabing edited lamang ang mga ito.

Ayon pa sa ilan, sinadya raw umanong i-edit ang mga larawan para magmukhang bata ang pari sa mga larawan.

At kahapon nga, August 31, ay nag-post sa kanyang Facebook account ng paliwanag si Fr. Ferdi tungkol sa kanyang mga larawang nag-viral.

Itinaggi niya na edited ang mga nasabing larawan.

Mga lumang larawan lamang daw ang mga ito at kuha noong mas bata pa siya.

“Ladies and gentlemen, yours truly is old! And dang proud of it!!!

“The photos people have drawn from my FB page span 17 years! But no, they were not edited.

“I don’t have the sophistication or the time to waste to do that kind of work.

“So please don’t expect to see or meet my 30+ year old self. 😆

“I’ve been a Roman Catholic priest for 22 amazing years and I’ve been happy and fulfilled in every single one of them.

“It’s a truly blessed life, because one is able to help people, to bring them to God, and to be a reminder to them, and to the whole world, that there’s so much more to life than constantly running after things that will never fully satisfy us no matter how much of them we amass for ourselves.”

Nag-post din siya ng latest photo niya para ipakita ang itsura niya sa ngayon.

 

Sa kabila nito, patuloy pa ring dinadagsa ng mga komento ang mga viral photos niya.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

“San po pede mangumpisal ng mga kasalanan at kalandian ng mga kaibigan kong plastik father?”

“It’s so inspiring to see one of his kind~ a very handsome & intelligent young man to humbly dedicate his life in the service of the Lord!”

“Parang artista! Ilayo ka sa temptations, Father. We ask Mama Mary to take care of you, St. Joseph to guide you, and Jesus to help you fulfill your mission.”

“Parang bet kung mag madre,kasama Si father habang nagro rosary 😂”

“Instead na “forgive me father, for i have sinned” naging “punnish me daddy for i have been a bad girl”

“Gusto ko lang naman mag simba, pero bakit tinuruan moko magmahal father? Chaaar!”

 

“Father hindi ako karapat dapat magpatuloy sainyo, ngunit sa isang salita mo lamang ay iuuwi koto”

“Ah paktay nanaman ito sa mga choir at manang sa simbahan.. Sisipagin nanaman sumimba”

“Pangarap ko noon maging abogado.. pero ngayon gusto ko na mag madre”

“Ako po ay nagkasala father mangungumpisal ako, saan gym ka ba need ko ng personal trainor nananaba na naman po ako. Kakabisaduhin ko novena para masabayan kita.”

“Hindi ako mag aabsent father every sunday pag ikaw pari namin.kahit araw arawin ko pa.”

“Father, kung kasalanan man po ang mabighani s taglay mong kakisigan😋.. patawarin sana aq ng Panginoon🙏”

“Father, luluhod na po ako.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!