Mahal, may pamamaalam na nga ba ilang linggo bago pa siya pumanaw?

Ikinabigla ng publiko ang balita ng biglaang pagpanaw ng komedyanteng si Noeme Tesorero na mas kilala bilang si Mahal.

Mismong ang kapatid nitong si Irene Tesorero ang nagkumpirma ng balita sa pamamagitan ng isang Facebook post.

“Ang aming kapatid na si Mahal ay pumanaw na. Wala pa schedule sa kanyang burol due to COVID restrictions.”

Wala pang ibang detalye na ibinigay hinggil sa pagpanaw ng komedyante.

Samantala, ilang netizens ang agad na binalikan ang ilang eksena sa isa sa pinakahuling vlog ni Mahal.

Ito ay ang pagkikita nila ng kaibigan at dating ka-partner sa showbiz na si Allan Padua o mas kilala bilang si Mura.

Dinalaw niya ito matapos mabalitaan ang paghingi nito ng tulong sa kalagayan nito sa buhay ngayon.

Nai-feature din ang nasabing reunion ng dalawa sa GMA-7 show na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Sa nasabing pagkikita ng dalawa, nag-abot ng tulong si Mahal kay Mura at madamdamin silang nag-usap.

“Kapag halimbawa nawala ako sa mundo, mayroon akong konting naitulong sa iyo.” 

Dahil sa eksenang ito, ilang netizens ang nagsabing tila ito na ang pamamaalam ni Mahal sa kaibigan bago siya pumanaw.

Narito ang ilan sa tweets ng netizens tungkol dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: