Star Cinema movies at series na dapat abangan ngayong 2021

Mukhang hindi paaawat ang Star Cinema sa paghahatid ng mga de-kalidad na pelikula at series ngayong taon.

Sa nakalipas na ABS-CBN Christmas special ay ipinasilip nila ang kanilang line-up para sa 2021.

Una na sa listahan ang Princess Daya Reese na pagtatambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Nariyan din ang movie version ng hit BL series na Hello Stranger.

Pagbibidahan ito nina JC Alcantara at Tony Labrusca.

Screengrab: YouTube | ABS-CBN

Kasama rin sa listahan ang pelikulang Love or Money na pagtatamabalan nina Angelica Panganiban at Coco Martin.

Ito ay kasali sana sa unang Metro Manila Summer Film Festival noong Abril pero hindi natuloy dahil na rin sa pandemya.

Isa rin sa aabangan ngayong taon ang unang pagsasama sa pelikula ng mga Magandang Buhay momshies na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal.

Screengrab: YouTube | ABS-CBN

Kasama rin sa line-up ang movie adaptation ng Bob Ong hit book na Mga Kaibigan ni Mama Susan.

Pagbibidahan ito ni Joshua Garcia.

Isa rin sa dapat abangan ay ang Keys to the Heart na pagsasamahan nina Zaijan Jaranilla at Sharon Cuneta.

Screengrab: YouTube | ABS-CBN

Kasama rin ang pinakaaabangang pagbabalik-pelikula ng dalawa sa pinakasikat na loveteams ngayon — ang KathNiel at LizQuen.

Screengrab: YouTube | ABS-CBN
Screengrab: YouTube | ABS-CBN

Isa pa sa pakaaabangan ng mga fans ay ang pinakahihintay na reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Ito ang No Goodbyes na ididirek ng blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina.

Screengrab: YouTube | ABS-CBN

Nakalinya rin ang mga pelikulang pagbibidahan nina Vice Ganda, Kim Chiu, at ng tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Screengrab: YouTube | ABS-CBN

Kasama rin sa line-up ang mga Star Cinema series na Like A Boss ni Raymond Gutierrez at He’s Into Her nina Donny at Belle.

Screengrab: YouTube | ABS-CBN

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: