Pagkawala ng YouTube channel ng JaMill, umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens

“JaMill is now signing off.”

Ito ang naging tweet ni Camille Trinidad upang kumpirmahin ang pagde-delete ng kanilang YouTube channel ni Jayzam Manabat.

Ang kanilang YouTube channel na JaMill ay mayroon nang mahigit 12 million subscribers bago nila ito napagdesisyunang burahin.

“Yes deleted na po ang channel. Di naman natin ma-pplease lahat ng tao na sabihing pa issue lang ito or what. Its about our relationship, mas pinili namin mas maging okay ang relationship namin. I hope na irespeto nalang Thankyou.”

 

“Don’t cry because it’s over, smile because it happened”

Ito naman ang naging tweet ni Jayzam tungkol sa nanging desisyon nila.

Sa kanilang official Facebook page naman ay naglabas din sila ng maikling paliwanag ukol sa naging desisyon nila.

“Deleted Na Talaga YT namin. Hindi Joke o Prank o Kung ano.

“Sobrang saya nang naexperience namin sa YouTube pero this time mas priority na namin ang Relasyon namin dalawa. Gusto namin Habang buhay talaga kaming nag mamahalan mga Kaigan.”

Agad na naging trending topic sa Twitter ang JaMill matapos mag-react ang ilang netizens tungkol sa pagkawala ng YouTube channel ng sikat ng vlogger couple.

Narito ang ilan sa mga tweets ng netizens.

 

Maging sa Facebook ay naging usap-usapan ang tungkol dito.

Narito ang ilan sa mga naging komento ng netizens.

“Kung totoong pinili nila mag focus sa relationship nila dapat pati sa social media nagpahinga muna sila. Wala pa 24hrs umaarangkada na uli. Too much drama!!!”

“Ganyan talaga pag ayaw mag bayad ng buwis haha”

“Buti naisipan nyo wala naman din kwenta mga content nyo.”

“Panindigan niyo yang pagbubura o di sinasadya ng YT channel niyo wag kayong plastic ahh at kung ako sa inyo magmahalanan na lng kayo wag na kayo bumalik wala rin nman kayong kwenta.”

“Nagpapa trending ulit kayo? Dedelete niyo youtube channel tapos irerequest nyo ulit na ibalik yt channel nyo. AMAZING”

“Kota na kase sila sa sinahod nila sa Youtube at dami na din nila business mapapabura ka na lng tlaga ng youtube channel”

“Kahet wag na kyo bumalik buti sana kung vlog nyo my natutulungan kayong mga tao ala nman kwenta mga content nyo” 

“Salamat sa mga alaala.”

“Tama yan, sana maging masaya kayo sa lovelife nyo.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: