Video ng traffic enforcer na naaktuhang nangongotong, nag-viral sa social media

Nag-viral sa social media ang video ng traffic enforcer na nahuli sa aktong pangongotong.

Sa video na ini-upload ni Toberden Sosroca, mapapanood ang traffic enforcer na nanita sa isang motorista.

Aniya sa caption ng post:

“Attn:yorme 2 enforcer sa kanto ng sto. cristo at lavezares binondo..mga naka motor ang kinokotongan….”

Ayon sa ilang komento sa nasabing post, nangyari ito sa kanto ng Sto. Cristo Street at Lavesares Street sa Binondo, Maynila.

Agad na nag-viral ang nasabing video at umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Dapat yan ang nilinis ni isko yang ganyang mga tao mapagsamantala, iba kc ang paglilinis ni isko maynila eh ung mga dumi talaga, literal n dumi hnd ung mga taong madudumi ang budhi…o pakyaw eto nmn mga example syo ung mga taong maliliit at mahihirap n nagbabanat kamo ng buto at ninanakawan nmn kamo ng mga taong kurakot s gobyerno, eh paano nmn ito isangbtraffic enforcer at kasabwat p ang lalaking nagtitinda, eto cla oh ung mga maliliit n nagbabanat ng buto kuno pra kumita pero may masamang sideline din pla, ung iba p nga s kanila ay runner ng droga at meron ding nagtitinda n pagkain pero at the same time droga din ang tinda ung iba nag oonline selling p nga eh.”

“Sibak nayan matik Yan hahaha huling huli kau sa akto akala nyo matalino kayo sa teknik nyo walang makakakita ng ginagawa nyo dahil hndi nyo Mismo tinatanggap ang pera ang hndi nyo alam mas matalino ang kumukuha sa inyo dahil nasa tinted mirror sila ng bintana”

“Kawawa ang mga driver sa mga hayp na enforcer na yan dapat wala nalang mga yan e..sila lang nag papahirap lalo sa buhay ng mga driver mga animl na yan mga mukang pera mga hayp”

“Paano kc lahat ata mga kinukuha nyang enforcer mga tropa tya mga tambay Sa tondo bka ung iba jan drg adik pa,bka yan ang ng prisendente madagdagan pa yan mga buwayang mga tauhan nya,sa panahon ngaun dapat mautak kayo sa pg boto sa darating na election dapat ung my malasakit sa kapwa hindi pahirap sa kapwa,wag natin iboto si yorme kawawa ang pumupunta sa maynila ang dami buwya ang kapal pa ng mukha”

“Kakakapal ng mukha dapat dyan ikul0ng d sapat tanggalin lng s serbisyo para mbawasan mga ganyang kalakaran s kalsada mga bulok s hanay serbisyo s mamamayan mgtrabaho kyo ng maayos pahirap kyo s motorists n nghihirap pra kumita maiuwi para maiuwi s pmilya. Mhiya nman kyo kapal nyo.”

“sa dalawa hahaha gagraduate na din sila at sikat sila ngayon! Yun ay kung sisibakin ni mayor isko at isasapubliko at mag bigay pahayag sa mga iba pang mga kotongero dyan! Hahahaha nakaka hiya kayo ngayon anay kayo ng mapag samantalang mamamayan gag0 pati matitinong enforcer eh nadadamay sa ka gguhan at bwiteng katulad nyo”

“Sobrang daming timawa na enforcer ng maynila.. Puro pera pera talaga kawawa ka kung wala kang panglagay sa kanila lalo ng ung mnga enforcer jan sa quirino palabas ng roxas bulivard.. Pati babaeng enforcer jan kasama.. #IskoMoreno dumarami n tolonges mo sa manila”

“ang kakapal ng mga mkha yan pinapakain sa pamilya nila galing sa masama, dapat matangal yan. mayor sana matangal na yan kawawa mga naka motor.”

Panoorin ang nasabing viral video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: