Nagsalita na ang kampo ng controversial vlogger na si Buknoy Glamurrr hinggil sa panibagong kontrobersiyang kinasasangkutan nito.
Sa isang Facebook post ay naglabas ng pahayag ang Star Image Artist Management hinggil sa issue.
“Yes, Buknoy committed mistakes in the past, but spreading fake news and mocking the Catholic Church is ungodly.
“Please be a responsible page owner.
“To Philippine Star, your logo is being used/imitated to spread this immoral kind of post. Please act accordingly.”
Matatandaang kahapon ay kumalat sa social media ang isang larawan ng vlogger kasama ang balita na inaresto ito matapos timplahan ng juice ang holy water sa isang simbahan.
Narito ang kabuuan ng post na kumalat sa social media.
“Youtube vlogger Andrew Luis N. Lapid o mas kilalang Buknoy Glamurrr, arestado matapos timplahan ng Tang Orange ang holy water sa St. Paul the Apostle Parish Church. Ayon kay Buknoy ay isa lamang itong prank para sa susunod na vlog.
“Nasa kustodiya na ng Q.C. Police District ang vlogger matapos lumabag sa ECQ Guidelines.”
Bagama’t marami ang nagduda sa katotohanan ng balita, hindi rin naiwasan ang mabilis na pagkalat nito sa social media.
Sinalubong din ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Halata namang fake news lang.”
“Kahit fake news, kapani-paniwala kasi na kaya niyang gawin. Hahaha”
“Baka sila-sila rin ang may pakana ng fake news na yan para mas mapag-usapan sila.”
“Napaniwala ako dito kahapon. HAHAHA”
“Kayang-kaya naman kasi talaga niya gawin yun. HAHAHA”
“Imagine kung totoo, nakakaloka!”
“Malay ba natin kung totoo naman talaga. Hahaha”
“Bad publicity is still publicity.”
“Abangan na lang natin sa vlog niya, baka naman totoo. Haha”
“Nasa record na kasi niya ang pagiging kontrobersiyal, ayan tuloy marami ang naniwala.”
“Sino ba naman kasi ang di maniniwala na ginawa niya yun. HAHAHA”
“Kaway-kaway sa mga naniwala rin sa fake news. hahaha”
“Umasa pa naman akong nakakulong nga talaga siya. HAHA”
“Naasar ako nung nalaman kong di totoo. Sorna agad. HAHAHA!”