Mga pahayag ni Vice Ganda tungkol sa face shield, kinaaliwan ng ilang netizens

Naging usap-usapan sa social media ang mga naging pahayag ni Vice Ganda sa ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime” kamakailan.

Sa dalawang magkasunod na episodes kasi noong nakaraang linggo ay tila napagtuunan ng pansin ng host-comedian ang usapin ng face shield.

Makikitang tila nasira ang suot na face shield ng isang bisita sa segment na ReiNanay.

Napansin ni ito ni Vice at sinabihan itong tanggalin na lang ang suot nitong face shield.

“Tanggalin mo na kung nasira yang ano mo, wala rin naman talagang purpose yan, sumusunod lang tayo, anyway.

“Nagpapauto lang tayo diyan.”

Sa sumunod na araw naman sa parehong segment, muling nasama sa usapan ang face shield.

“Pangarap ko maging face shield. Yung tipong kahit wala ka naman talagang silbi, hindi ka gini-give up.”

Bagama’t idinaan ni Vice sa biro, tila pahaging na rin ito sa pagre-require ng pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar sa bansa.

Naging trending topic tuloy sa Twitter noong araw na iyon ang nasabing eksena at pahayag ni Vice sa noontime show.

Narito ang ilan sa mga tweets ng netizen tungkol dito.

Ilang netizens din ang nagkomento na naaliw sila sa nasabing mga pahayag ng komedyante.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Iba din! Hahaha! Sana all may talak sa face shield.”

”Marami na namang magagalit nito sa real talk ni Vice.”

”Sige, ipagtanggol nyo pa ang face shield kahit nahihirapan din naman kayo. hahahaha”

”Lakas ni Meme Vice! Baka magalit na naman yung dolphin. HAHAHA”

”Totoo naman yung mga sinabi nya. Umamin kayo na agree kayo.”

”Laptrip pero totoo. Real talk is real na real. HAHAHA”

“High key shady but where is the lie tho”

“new goal in life, maging face shield”

“Actually, the face shield as the perfect metaphor for Duque. Walang silbi, ipinipilit pa rin ng gobyerno tapos may business interests na involved.”

“Kaya be a faceshield The shade pota hahaha”

“Face shields doing the bare minimum”

“Minsan gusto ko nalang talaga maging face shield.”

“Shawt awt sa taga Gobyernong supplier ng faceshield kaya hindi ipinapatigil anh paggamit nito”

Ano ang masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: