Video ng lalaking nahuli ng asawa na kasama ang kabit, viral sa social media

Viral ngayon sa social media ang isang video na nakuhanan ang isang komprontasyon sa gitna ng kalsada.

Sa nasabing video, makikita ang isang babae na sinasabing nakahuli sa kanyang asawa na kasama ang umano’y kabit nito.

Makikitang namang nakayakap ang lalaki sa babaeng sinasabing kabit nito.

Tila pinoprotektahan ng lalaki ang nasabing babae mula sa tangkang pananakit ng asawa.

May ilang lalaking lumapit at nagtangkang paghiwalayin at awatin ang tatlo.

Maririnig din sa video ang pagmumura ng babaeng kumukuha ng video na sinasabing anak ng lalaking nahuli.

Ang nasabing video ay may habang mahigit pitong minuto.

Mabilis itong nag-viral at kumalat sa social media at ngayo’y pinagpipiyestahan ng mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Grabe maka protect si manong kay juvet..tas si juvet naman atapang atao.. Tas yung mukha, jusmiyo marimar!”

“Dapat misis total andyn na kayo sa kalsada pag may dumaan na 10 wheeler truck itulak m sila pariho tapos problema”

“Bakit yong babae lang inaaway eh dpat pati yong lalaki din…tanggalin ang helmet sabay pukpok sa ulo nya kakagigil higpit ng akap sa kabit mahal na mahal”

“ahahaha buti nga s mga babaeng gnyan (Anay)siguro madadala n yan at di n uulitin pa n pumatol s may Asawa, dpat pati lalaki kinarate nya.”

“nyaha. ako yan sabunot ng todo abot sabay bulsa ng buhok ng kabit sabay pabarang. o edi solve problema. easy.”

“Buti nga yan sa babae para madala ang daming llaki walang sabit sana hinampas mo ng helmet ang mukha nila2 bwe shit anay sa panimalay yang mga kabit”

“Dios kopo may nagka gusto pa dyan sa lalaki nayan konting hangin nlng pwede na tangayin at paos pa may sakit na yata, jusko napaka eskandalosa nung asawa at anak mga bunganga super

jusko lalaki lang yan maraming lalaki sa mundo kung ako sayo mag sama nlang kayo ng mga anak mo.singil kapa wala kapang sakit sa ulo mo.”

“Ipakulong na yan kc yang mga kabit magaling magpalusot ….bakit sobra ang yapos ng dalawa at ipinagtatanggol pa ng lalake …aba pag di ako kabit akoy di makakayapos ng ganyan kahigpit parang tuko eh”

“Kapag nangabit na ang asawa ay sinyales na yan na ayaw na nya sayo. Kaya wag kana pumilit pa sa kanya. At maghanap kana rin ng iba. Ipakita mo sa kanya na lechon kapa sa paningin ng iba.”

Panoorin ang nasabing viral video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: