Cindy Miranda, inakusahang third party sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla

Itinuturo ng ilang netizens ngayon ang beauty queen-turned-sexy actress na si Cindy Miranda bilang third party umano sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Si Cindy ang bida at leading lady ni Aljur sa lates movie ng Viva Films na Nerisa.

Matatandaang kamakailan lang ay ibinunyag ng ama ni Kylie na si Robin Padilla ang hiwalayan ng mag-asawa.

Kinumpirma rin nito sa isang interview na third party umano ang naging ugat ng nasabing hiwalayan.

Dahil dito, hindi naiwasan ng ilang netizens na isipin na baka nga si Cindy ang tinutukoy na third party sa hiwalayan ng mag-asawa.

Sa Instagram post ni Cindy ay game niyang sinagot ang ilang netizens na nagkomento at nagduda tungkol dito.

Narito ang ilang komento ng netizens at ang mga naging sagot ni Cindy.

Netizen: “Sana pure work lang kayo. Wag ka manira ng pamilya.”

Cindy: ”Yes. Very professional. Im not the third party, thanks.”

Netizen: “Sana wag po papatol sa may asawa kasi nakakadiri at nakakababa ng pagkababae.”

Cindy: “Tama!”

Netizen: “Nandito lang ako para maki-chismis. True ba?”

Cindy: “No.”

Netizen: “Did you break our KylJur?”

Cindy: ”No. Not me.”

Netizen: “Ul*l, nagsidatingan mga bashers dito. Updated sa chismis pero hindi updated na may upcoming movie kayo ni CIndy Miranda. Hahaha. Halatang mga keyboard warriors lang.”

Cindy: “😂😂😂”

Hindi rin naiwasan ng isang netizen na mabanggit ang pangalan nina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Ayon sa netizen na ito, ganoon din umano ang sitwasyon nina Julia at Gerald dati.

“Sana nga hindi ikaw yung third party. Sabi mo nga na hindi ikaw. Baka sa huli malalaman namin na kayo na pala like Julia at Gerald na nagkaroon ng movie. Hindi daw sila pero bandang huli, umamin din silang dalawa.”

Samantala, tikom pa rin ang bibig ni Aljur tungkol sa issue ng hiwalayan nilang mag-asawa.

Wala pa siyang inilalabas na pahayag tungkol sa mga ibinunyag ng biyenan na si Robin.

Sina Aljur at Kylie ay mayroong dalawang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: