Payo ni Robin Padilla sa anak na si Kylie: “Pag-Muslimin mo na lang si Aljur”

Kamakailan ay kinumpirma mismo ni Robin Padilla na hiwalay na ang anak niya sa asawa nitong si Aljur Abrenica.

Ibinunyag din niya na third party umano ang dahilan ng nasabing hiwalayan.

Sa second part ng interview ni Ogie Diaz kay Robin, napag-usapan kung ano ba ang naipayo ni Robin sa anak tungkol dito.

“Pagdating sa marriage ano ba ma-a-advise ko? E, failure din kami ng mama niya. Ano’ng credibility ko?” 

Nauwi rin kasi sa hiwalayan ang pagsasama noon ni Robin at ng ina ni Kylie na si Liezl Sicangco.

“Sabi ko, ‘Pag-Muslimin mo na lang si Aljur’.”

Tila hindi nagustuhan ng mga netizens ang nasabing pahayag ni Robin.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“Anong klaseng payo yun? Natatawa ko na naaasar.”

“Nakakasuka naman yung ganyang klase ng pag-iisip.”

“Grabe naman parang sinabi na rin nya na nagmuslim sya para may reason sya mambabae. Sorry pero ito ay sampal sa panata ng mga muslim sa tingin ko. Hindi ka sumasali sa isang relihiyon dahil pde ka mag asawa ulit.”

“utusan mo maging muslim para ok lng kung mag asawa ulit si aljur kahit ilan. Masakit sa babae ang dalawa sa iisang lalaki… mas mabuti pang maghiwalay kaysa pagsaluhan ang iisang lalaki…lalo mo lng pinasakitan ang kalooban Ng anak mo.pasintabi lng po sa iba.”

“Maling paniniwala kahit kelan. Gagamitin pa ang relihiyon sa kababuyan.”

“I have respect sa Muslims at kung ano mang practices nila. Super disappointed lang ako kay Robin Padilla on how he advised his daughter.”

“Grabi lang kasi napaka dali niyong sabihin na pag muslimin siya , magmumuslim siya dahil para hindi siya madusa sa pagiging babaero niya. Hindi madaling maging muslim , wag niyo naman sana idamay religion namin sa mga kahit anong gulo niyo.”

“Naipapayo ko lang ang mag asawa pag mag hiwalay ang anak ang kawawa sana isipin muna a g familia at mga anak pigilan angma ilve sa iba bago pumasok sa relation at babae pag alam na my asawa wag nakayo pumatol”

“Yan ang reason kung bakt nagmuslim si robin, hindi dahil sa faith kundi sa pwedeng mag asawa ng mag asawa”

“Ano ba gusto niya i save yung marriage ng anak niya. O feelings ng anak niya. Opinyon ko lang walang babae na gusto na maraming babae ang mister niya.”

Panoorin ang nasabing interview ni Ogie Diaz kay Robin dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: