Maiinit na eksena nina Aljur Abrenica at Cindy Miranda sa pelikulang Nerisa, pinag-uusapan

Inilabas na kahapon ng Viva Films ang trailer ng latest movie nito na Nerisa.

Pinagbibidahan ito nina Aljur Abrenica at Cindy Miranda.

Ito ay mula sa panulat ni Ricky Lee at sa direksiyon ni Law Fajardo.

Kasama rin dito sina Sean De Guzman, AJ Raval, Sheree Vidal Bautista, Gwen Garci, Elizabeth Oropesa, Bembol Roco, at Guji Lorenzana.

Bagama’t hindi naman na lihim na sexy ang tema ng pelikula, marami pa rin ang nagulat sa mga maiinit na eksena na ipinakita sa trailer.

Maliban kasi sa kissing scenes, tila makatotohanan ang mga mapangahas na eksena sa pagitan nina Aljur at Cindy.

Hindi tuloy maiwasan ng ilang netizens na magkomento tungkol dito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

Dahil sa nasabing maiinit na eksena, nakadagdag tuloy ito upang mas lalong mapag-usapan ang bidang aktor na naging laman sentro ng usap-usapan sa showbiz nitong mga nagdaang araw.

Matatandaang sa isang interview kay Robin Padilla kamakailan ay ibinunyag nito na hiwalay na si Aljur at ang asawa nitong si Kylie Padilla.

Kinumpirma rin ni Robin ang pagkakaroon umano ng third party sa hiwalayan.

Dahil dito, ilang netizens ang mabilis na nagsabing maaaring ang leading lady ni Aljur na si CIndy ang tinutukoy na third party sa hiwalayang ito.

Mabilis namang itinanggi ni Cindy ang nasabing paratang at sinabing hanggang sa pelikula lamang ang mga eksena nila ni Aljur at hindi ito nadala sa tunay na buhay.

At dahil halos nasabay din sa paglabas ng trailer ng pelikula ang kontrobersiya sa hiwalayang Aljur at Kylie, ilang netizens rin ang nagsabi na tila nagagamit pa sa promo ng pelikula ang nasabing issue.

Hirit naman ng ilang netizens, hindi naman nagsasalita si Aljur tungkol sa issue kung kaya’t malabo ang sinasabi ng ilan na nagagamit ang hiwalayan sa promo ng pelikula.

Sa katunayan, sa katatapos ng presscon ng pelikula ay pinaalalahanan umano ng Viva ang press people na iwasan ang mga personal na tanong kay Aljur.

Panoorin ang trailer ng nasabing pelikula dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: