Boyfriend ni Chad Kinis, itinanggi ang paratang na pera lamang ang habol sa komedyante

Sinagot ng boyfriend ni Chad Kinis na si Nikko Alano Chua ang mga paratang na pera lang ang habol niya sa komedyante.

Kamakailan lamang ini-“out” ng dalawa ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng palitan ng matatamis na mensahe sa social media posts.

PHOTO: Facebook | Nikko Alano Chua

Si Chad ay kilala sa YouTue bilang miyembro ng comedy trio na Beks Battalion.

Si Nikko naman ay isang modelo at tinanghal na Mr. Mossimo 2018.

PHOTO: Facebook | Nikko Alano Chua

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, pinasalamatan ni Nikko ang kasintahan na si Chad.

“I wanted to address this appreciation post to my one and only, Chad Kinis ❤️

“By the time you see this, you’re maybe enjoying or resting cause of your travel earlier and I wish that I’m there to lessen your tiredness by hugging you so tight. Babe, always remember that I am here for you no matter what happen. We will both hold each other’s hand as we go through our journey in life and cherish every laughter and moment that we’d be able to spend.

“There might be instances that we’ll fight but I will try my best to always understand you and make it more easier for us to be aight.

PHOTO: Facebook | Nikko Alano Chua

“Being a public figure could harm our relationship because there are so many negativities surrounding us both without even knowing but despite all of that we could do everything with the help of every positivities we have- which is our love for each other and from the people that’ll support and that’s supporting us.

“No one could ever destroy us. Specially that we have everything by the faith in God. You’re a Godsent, babe!

“I wanted to make every day of your year, decade and even century (if I am able to do so) extraordinary! I love you! 😚❤️”

Agad itong umani ng komento mula sa malalapit na kaibigan ng dalawa.

Kabilang sa mga nagkomento sina KaladKaren Davila at Ogie Diaz.

Ani Karen, “May… PAGMAMAHALAN! Ang gandaaaaaa ng mommy ko Chad Kinis! Congratulations! I’m very happy for you both! Bakuna everyday na ‘to! 💉💉💉 Charot!!! #LoveisLove 🌈”

Idianaan naman sa biro ni Ogie ang pagsuporta.

Sabi niya, “Wow! Best wishes? Haba ng hair ni Richardson De La Cruz! Gusto kong sabunutan ampotah sa ganda!!!”

Maliban sa pagbati, may ilan ding netizens ang kinwestiyon ang relasyon ng dalawa.

Kabilang na dito ang isa na nagsabing pera lamang ni Cahd ang habol ni Nikko.

“Syempre Hindi naman kami maniniwalang TRUELOVE yan! IMPOSIBLENG WALA KANG NAPAPALA KAY Chad Kinis PERA PERA LANG YAN! For Sure pati yung Bayarin at Pagkain nyo dyan si Chad Lahat Nagbayad! Jusko kung hindi naging Blogger at hindi kumikita ng Pera yan sa pag bblog nya sa tingin mo papatulan mo si Chad ng WALA KANG NAPAPALA Nikko Alano Chua?? Sasabihin nalang ni CHAD Wag nalang Pansinin HAHAHA Pero KATOTOHANAN LANG NAMAN TO!”

Kalmado lang itong sinagot ni Nikko ng:

“Come visit my resto and clinic. Libre ka lahat sakin sponsoran kita at ng mom ko. Halika dito. 😉”

Isa pang netizen ang nagsabi na mauuwi rin sa iwanan ang relasyon ng dalawa.

“Sanaol mapera. Sigurado yan, pag lipas na at wala nang pera si chad iiwanan mo rin yan. Hahaha.”

Kalmado ulit itong sinagot ni Nikko at inimbitahan pa ang basaher.

“Come visit my resto and clinic ssponsoran ka namin ng mom ko at sister ko.”

Samantala, nagkomento rin si Chad at nagpasalamat sa pagiging proud ni Nikko sa kanilang relasyon.

“This means a to me babe. Thank you for being proud and accepting me. Thank you for coming into my life.

“Thank you for coming into my life.

“Yes babe, no one can get in our way. As long as we have and love each other, we will overcome all obstacle and problems that’ll come.

“I love you so much babe.”

Nagpasalamat naman si Nikko sa mga sumuporta sa kanilang pagmamahalan.

“Thank you to all of those people who gave a good feedback and for those who supported our back.

“I want everything to be at peace, we both love each other as much as what every haters say.

“I don’t validate bad comments about my post. But I still want to send my regards cause they still had a time to spend & give their opinions on us.

“I’m sorry if this may sound wrong but I’m just not a fan of hating & making fun on other people based on their own POV.

“Godbless & love y’all so much!”

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: