Anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin, papasukin na rin ang pagpapaseksi?

Madalas na trending ang ilang social media posts ng panaganay na anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin.

Sa mga larawan kasi na ibinabahagi nito sa kanyang Instagram account, lutang na lutang ang kaseksihan nito sa kabila ng murang edad.

Puna nga ng ilan, manang-mana ito sa kaseksihan ng ina na dating isang beauty queen.

Sa kabila ng mga sexy photos nito na madalas na humahakot ng papuri mula sa netizens, itinanggi ni Lorin na wala siyang balak na tumanggap ng sexy roles sa pelikula at telebisyon.

I think that’s a definite no!”

Matatandaang kamakailan ay pumirma na siya bilang talent ng Viva Artists Agency.

“Kasi with my Instagram photos and what I post on social media, it’s up to me, it’s my own decision and I’m in control of the narrative I want to put out.

“I’m in control of the picture I put out. I’m in control of what it looks like.”

“Definitely when it comes to acting, I just don’t think I would feel comfortable for sexy roles yet because that’s something much bigger than just an Instagram photo.

“That’s definitely a commitment that you have to make—to know that you’re comfortable enough to do that.”

Hindi rin daw niya nakikita na malilinya siya sa mga sexy roles.

Ang tipo niya raw gawin ay mga romantic comedy o love story.

Wala naman daw siyang nakikitang problema sa mga taong pinapasok ang pagpapaseksi. Sa katunayan ay hinahangaan pa nga niya ang pagiging kumportable ng mga ito sa ganoong klase ng roles.

“I’m sure there are many people out there who feel super comfortable with themselves to be able to do those types of roles and to anyone who is, I applaud you.

“But I personally am just not comfortable doing those types of sexy roles.”

Magde-debut na si Lorin sa August 3 ngunit wala siyang plano na magkaroon ng malaking selebrasyon dahil na rin sa pandemic.

“I had a pretty big 16th birthday so parang na-experience ko na yung malaking party setting.

“Again, the pandemic made me realize what’s really important to me, what I valued in my life, and it seems unfair to have such a lavish celebration at this time in a world when so many people are suffering.”

“I feel like ayoko naman maging insensitive.

“And I would rather spend my 18th birthday just with the closest people to me while also giving back to those in need.

“That’s what I rather do po.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: