Geneva Cruz, sinagot ang isang basher na di nagustuhan ang pagsusuot niya ng swimsuit

Sinagot ni Geneva Cruz ang isang netizen na tila hindi nagustuhan ang pagsusuot niya ng swimsuit sa beach.

Kamakailan kasi ay nag-post ng ilang larawan sa Instagram ang singer kung saan makikita siyang nakasuot ng swimsuit.

PHOTO: Instagram | Geneva Cruz

Umani ito ng paghanga mula sa ilang netizens na pinuri ang fit na pangangatawan niya.

Ngunit mayroon pa ring ilan na nagbato ng mga negatibong komento tungkol dito.

Sinagot niya ang isang netizen na tila may ibang gustong ipasuot sa singer.

“Yesterday, I was tagged by a female follower on a beach cover-up that isn’t my style. I appreciate your concern, Miss, but just because a fashionista wears something, it should be what I should be wearing too. Di ka na nakuntento sa comment mo halatang bitter ka talaga. Just so you know, I. DON’T. CARE. WHAT. YOU. THINK. OF. ME.

PHOTO: Instagram | Geneva Cruz

“I will wear a swimsuit on the beach or at home if I want to. NO-ONE SHOULD BE SHAMED for wearing proper swimwear.

“To those of you who are annoyed that I like to flaunt my body, It would be my pleasure if you decide to unfollow me. I already said in the past that I would wear what I want until my breasts are down to my knees.

“And to those of you who get inspired to give their bodies more love because of my posts, I am glad I’m able to do that. I’d rather have followers who see me ‘beyond the surface.’”

PHOTO: Instagram | Geneva Cruz

Maliban dito ay may isa ring netizen na nag-comment ng “Ano ba yan? Di nalang mag????”

Sinagot naman ito ni Geneva at sinabing “You’re cute when you’re pissed. LOL!”

Nakakuha naman ng kakampi si Geneva sa ilang netizens.

Narito ang kanilang mga komento (published as is).

“Kahit ako may abs mag shirtless din ako .. kumbaga hindi naman forever na may mgandang panggatawan kaya ilabas mo na hehehe”

“What is wrong with wearing 2 piece swimsuit? She looks great and sexy!!”

“Sa atin issue yan dto sa ibang bansa ikaw mahihiya nkabalot.. Dto khit matataba mga nka 2 piece wala cla kiber..”

“Mga pilipino kc lahat big deal eh syempre nag swiswimming alangan nmn mag gown or pajama 🙄 saka may ipapakita nmn Sya kc super sexy Sya😍”

“Ano ba kasi dapat ang suot nya sa beach? Long gown?”

”Yung nagcomment ng ganyan, hindi kayang magsuot ng swimsuit sa beach. HAHAHA”

“Inggit lang yan. For sure, yang nagsasabi ng ganyan yung mga naka-maong shorts at t-shirt kapag nasa beach.”

“Andami talagang judgemental na tao. At madalas kung sino ang pintasera, yun ang panget. HAHAHA”

“Kung ako man ang ganyang edad at ganyan kaganda ang katawan, baka mas seksi pa ang piliin kong swimsuit.”

“Go, Geneva! Dedma lang sa mga inggetera.”

“Baka naman kasi sa pangbabash na lang idinadaaan ang inggit na nararamdaman nila. Haha”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: