Mga mapangahas na eksena sa trailer ng pelikulang ‘Silab’, pinag-uusapan

Usap-usapan sa social media ang ilang eksena sa trailer ng bagong pelikula ni Joel Lamangan na pinagbibidahan nina Cloe Bareto, Marco Gomez, at Jason Abalos.

Ikinagulat ng marami ang ilang mapangahas na eksena sa trailer nito.

Kabilang na dito ang pagkaaninag ng halos buong katawan ni Cloe at Marco.

Pati na rin ang pagdaklot ni Cloe sa harapan ni Jason.

Sabi nga ng ilan, kung trailer pa lamang ay ganito na kainit ang mga eksena, paano pa sa buong pelikula?

Mukhang game na game ang bida ng pelikula na si Cloe na bagama’t isang baguhan ay hindi nagpaawat sa mga eksenang kailangang gawin.

Alam naman daw niya ang mga kailangan niyang gawin bago niya pinasok itong pelikula.

Aniya,“Handa po talaga ako. Noong tinanggap ko ang Silab, at nabasa ko ang script, pati na mga eksena na gagawin ko, sinabi ko sa sarili ko na ibibigay ko lahat.

“So, noong sumalang na ako, lahat ng utos ni Direk Joel, sinunod ko lang.”

Hinangaan naman ng batikang direktor na si Joel Lamangan ang mga bida sa pelikulang ito.

“Ang tatapang nila. Kung gaano ako katapang na direktor, ganun din sila katapang na mga artista.

“Ang gusto ko sa kanila, nakikinig sila sa mga gusto kong gawin nila. Hindi sila mga pasaway. Hindi matitigas ang mga ulo nila.”

Samantala, umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens ang trailer ng nasabing pelikula.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Nauuso na naman ang ganitong pelikula pero bakit ako magrereklamo?”

“Dakot kung dakot talaga. Mapapa-sana all ka na lang.”

“Grabe ang trailer! Trailer pa lang yan. Paano na ang buong pelikula?”

“Wow! Hubad kung hubad! Ang tatapang!”

“Trailer pa lang pero may pasilip na. Grabe lang!”

“Siguradong manghihina ka sa buong pelikula. Alam na this.”

“Ang tagal naman ng July 9! Ready na ang tissue ko, este ang pambayad sa streaming pala!”

“Ganito sana. Palaban. Walang arte-arte. Hindi pabebe.”

“Siguradong papatok ito sa mga mahihilig. Hindi ko sinasabing kasama ako dun pero parang ganun na nga. Hahaha”

Ang Silab ay mula sa produksiyon ng 3:16 Media Networks.

Mapapanood na ito simula July 9 sa streaming site na VivaMax.

Panoorin dito ang trailer ang nasabing pelikula.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: