Tangkang panunuhol ng isang lasing na driver sa mga traffic enforcers, nakuhanan ng video

Viral ngayon sa social media ang isang video kung saan naaktuhan ang tangkang panunuhol ng isang lasing na driver sa mga traffic enforcers.

Sa kabuuan ni video, makikita ang pangungulit ng driver na pilit na may iniaabot na pera sa mga traffic enforcers.

Paulit-ulit din itong nagtatanong kung ano ang hinahanap ng mga enforcers.

Kahit na paulit-ulit din namang sinasabi ng mga enforcers na driver’s license ang kailangan nila, pilit pa ring iniaabot ng driver ang pera.

As of this writing, mayroon nang mahigit 80K views ang nasabing video.

NArito ang ilang mkomento mula sa mga netizens (published as is).

“In other countries drunk driving will revoke your license and you’ll have a fine and a jail time. Our law and those implementing it are both weak. Papatulugin lng sa brgy hall yan tapos kinabukasan parang walang nangyari.”

“He found the only honest cops in the whole Philippines, talk about bad luck 😝”

“Eh pano ko po kukunin yan wala naman yung lisensya”

“Dapat daw kasi naka ipit sa lisensya. Hindi marunong si boy senglot eh.”

“Paano nalang po kung naka aksidente ka sinong manangot? Sana naman eh nag isip-isip ka bago nag maneho kulang sa ngipin ang batas tungkol sa driving  while in the influence of alcohol… 😢😢😢😢”

“Alam kase Nung lasing na kotong kayo kaya Pera inaabot sa inyo”

“ang labas nyan kapag off ng camera dadalin kuno sa tanggapan nila tapos kunin pera tapos ok na 😂”

“Walang sabi sabi dapat kulong yan kasi lasing walanang sabisabi.”

“Driving under influence of liquor lng yan kaso.kung yun iba mka react eh harass minsan di tyo nagmamaneho nka inom hahaha”

“Kukunin naman pala dapat kasama lisensya hahahaha kayo naman easy lng kukunin naman”

“Yayamanin parang deck cards kung humawak.ng pera.si.lashengerong drayber hahaha.”

“Ganyan ang nagagawa epekto ng alak sa tao, nawawala sa sarili, nawawala sa normal.”

“May mga tao kasi kaya yan kunwari ayaw tanggapin.. Hahaha.. Pero pag walang mga asungot jan sure bulsa na agad yan..”

“Dapat pina lagay nyo sa sobre pra hindi kyo mahiya tangapin. kunware pa kyo hndi corrupt”

“May camera kasi kaya ganyan. Pero in real life pabor pa sakanila yan 😂”

Panoorin ang nasabing viral video dito.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: