Pagpapaseksi ni AJ Raval, hindi tanggap ng amang si Jeric Raval?

Nagsimula na ang lock-in shooting para sa bagong pelikulang pagbibidahan ng sexy star na si AJ Raval katambal ang nagbida sa “Anak ng Macho Dancer” na si Sean De Guzman.

Nagkaroon ng story conference ang pelikulang ito na pinamagatang “Taya” na dinaluhan ng dalawa.

Napag-usapan dito na magiging sobrang daring o mapangahas ng pelikulang ito.

Ayon kay AJ, nakumbinsi raw sila ng direktor na gawin ang mga maseselang eksena sa pelikula.

“Na-convince kami ni Direk… hindi lang po namin titingnan yung sexy scene, yung sexy part [dahil] mismong yung story, sobrang ganda.”

Napag-usapan din ang mahigpit na pagtutol dati ng ama niyang si Jeric Raval sa paggawa niyang pagpapaseksi sa pelikula.

Ayon sa kanya, tanggap na raw ng ama na trabaho lamang ang ginagawa niya sa harap ng camera.

“Tinanggap na nila na nagpapaseksi ako, lalo na po yung tatay ko. Alam ko na naiintindihan niya dahil artista rin siya.

“Ang lagi lang nilang sinasabi sa akin ngayon, magpakabait at galingan ko ang acting.”

Umani ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga naging komento (published as is).

“Suportahan na lang ng ama kung saan mas kikita ang anak.”

”Kung di ka nya tanggap, dito ka nalang sa akin. Tanggap kita kahit pa mag-away kami ng asawa ko.”

”Sobra naman kasi kung makapagpaseksi. Malaswa na minsan.”

”Bukas ang bahay ko kung ayaw kang tanggapin ng ama mo. Gagawin kitang reyna.”

”Artista naman si Jeric. Maiintindihan nun kung ano lang ang trabaho at personal.”

”Sobra na rin naman kasi minsan. Kung makapaghubad, halatang gusto lang ng atensyon. Di ako ngarereklamo ha. Gusto ko nga yun eh. Ipagpatuloy mo lang ang ignagawa mo. Haha”

”Tapos ka na ba maglinis ng kwarto? Nakailang ulit ako sa panonood ng vlog na yun. Ngawit na nga ako kakaano eh. Kakapanood. Hehe”

”Wala naman sigurong ibang intensyon ang ama kundi protektahan ang anak kaya okay lang yun na mapaalalahana siya paminsan-minsan.”

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: