Bea Alonzo, humingi ng suporta sa mga fans sa paglipat niya ng network

“Tatalon ako sa bagong yugto ng buhay ko… and sana, sana kasama ko pa rin kayo. Pero kung hindi at magtatampo kayo sa akin, maiintindihan ko.”

Ito ang naging pahayag ng dating ABS-CBN talent na si Bea Alonzo matapos siyang pumirma ng exclusive contract sa GMA Network.

Matatandaang ilang buwan ding naging maugong ang balita ng paglipat niya ng bakuran.

At kahapon nga ay pormal na siyang ipinakilala ng GMA bilang pinakabagong Kapuso.

Sa kanyang Instagram account, naglabas ng saloobin ang aktres tungkol sa nangyaring paglipat.

“Today, I officially became a KAPUSO. ❤️“

Pinasalamatan din niya ang kanyang mga tagahanga, mga nakatrabaho, at angABS-CBN na naging tahanan niya sa loob ng 20 taon.

“I would like to thank everyone who has been a part of my 20-year journey, my fans, my colleagues, and the people who gave me opportunities and who have helped hone my talent. To my ABS-CBN family, MARAMING SALAMAT PO. I will forever be grateful for everything.”

Pinasalamatan din niya ang GMA network sa pagtitiwala sa kanya.

“And now, I am entering a new chapter..

To my GMA family, I am humbled that you put your trust in me and I am beyond excited to be able to learn and grow in my new home.

“Here’s to new beginnings 🥂”

Samantala, bagama’t maraming tagahanga ang nagpahayag pa rin ng suporta sa paglipat ng aktres, maraming solid Kapamilya supporters ang nadismaya sa naging career move ng aktres.

Narito ang ilan sa kanilang mga pahayag (published as is).

“Talagang di kami sasama sayo tumalon ka hanggang gusto mo.”

“Wala na ngang prankisa yong network na pinanggalingan mo iniwan mo pa, dyan talaga malalaman kong sino yung totong  kapamilya.”

“Pera pera lang tong mga ganitong artista, hindi man lang binigyan ng konsiderasyon yung network na nagpasikat sa kanila, dahil lugmok at dapa, iiwan na lang nila. Baka pag nakabangon ang abs babalik balik ka huh? Wag ganun mars…🤣🤣🤣

Pera pera lang pala nu asan na ang loyalty? Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makakarating sa paroroonan. Pinayaman ka ng ABS ganyan pala isusukli mo

Be the best of who you are Ms. Bea, but my loyalty remains with ABS CBN, not the stars

Anong kasama wala kaming paki s mga artistang lumilipat s ibang network …ang pinaguusapan ung pagiging solid kapamilya p rin forever…

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: