Paglipat ni Bea Alonzo sa GMA-7, umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens

Halo-halo ang naging reaksiyon ng netizens sa balitang paglipat ng isa sa maituturing na homegrown talents ng ABS-CBN na si Bea Alonzo sa GMA Network.

Si Bea ay isa lamang sa mga dating Kapamilya stars na mas piniling lumipat sa katapat na network sa gitna ng kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN.

Kamakailan lamang ay naging laman ng balita ang paglipat nina Pokwang, Beauty Gonzales, former Hashtag member Luke Conde, at iba pa sa Kapuso network.

Maugong din ang balita na pipirma na rin sa nasabing network si John Lloyd Cruz na naging patok na katambal ni Bea noong nasa bakuran pa sila ng ABS-CBN.

 

Dahil sa ginawang paglipat, maraming mga tagahanga ni Bea ang nagbigay ng saloobin sa social media.

Marami ang nagpahayag pa rin ng suporta sa aktres sa panibagong home network nito.

May ilan din namang hindi naiwasang madismaya lalo na at hindi naman nawalan ng programa ang aktres sa Kapamilya network.

Sa katunayan, nakalinya sa mga gagawing pelikula ng Star Cinema ang reuninon movie nina Bea at John Lloyd.

Basahin dito ang ilan sa mga komento ng netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: