Kris Aquino, ilang beses nang pinatunayan ang pagiging palaban sa bashers

Kamakailan lang ay naging laman na naman socila media ang pangalan ng batikang TV host-actress na si Kris Aquino.

Ito ay dahil sa paglutang ng screenshot ng comment ng isang netizen at kung paano ito sinagot ni Kris sa kakaibang paraan.

Sa tagal na ni Kris sa mundo ng showbiz, nakilala siya hindi lamang sa pagiging magaling na TV host at aktres kundi pati na rin sa pagiging prangka at minsan ay pagiging taklesa.

Kaya naman mas lalo siyang kinagigiliwan ng publiko sa pagiging totoo nito sa kanyang mga sinasabi.

Sa Facebook page na Kapamilya Online World, gumawa sila ng compilation ng mga pagkakataong sinagot ni Kris ang isang netizen na may negatibong komento sa kanya.

Narito ang mga pagkakataong iyon.

Netizen: “Pangit pala si Miss Kris pag walang make-up. Sorry, just saying.”

Kris: “Beauty is in the eye of the beholder. I could so easily say a very b*tchy comment about your looks right pero bakit pa? Hindi naman ikagaganda ng buhay ko and hindi rin makakatulong sa lipunan. Siguro you need to find your happiness? And thank God, di ba? Ako, gumaganda pag may make-up.”

Netizen: “You are insinuating that Korina is the reason why Mar lost, what about your brother’s presidency?…”

Kris: “I would take you seriously if prior to this, you actually had prior posts. Get a life, faker.”

Netizen: “What a disappointment! You wanted to get favors of the present government and this was the only way you knew how? Mag-isip ka naman!”

Kris: “What favors? After the millions I’ve paid in taxes – I think I’m getting a THANK YOU.”

Netizen: “ Korina may not the the kindest person but I don’t see anything wrong sa feature niya…”

Kris: “Seseryosin ko ang MANOK?” (Pertaining to the profile name and photo of the basher who commented)

Netizen: “Grabe naman! Lahat na pati pah-interview kay James at Mic e big deal na din. Does she expect everyone she knows to be against James?”

Kris: “No because my son and I did an endorsement TVC for her husband. Konting delicadeza at utang na loob lang. Matagal na akong may show sa ABS-CBN — alam ko ang editing schedule, napakadaling iurong ang airing pag lumamig na ang issue. Eh sinalbahe ako at naki-ride talaga. #laban”

Netizen: “Tama na po.”

Kris: “Why? Sayang ang @livesmart data plan ko. And our @pldthome unli Fibr.”

Netizen: “People, Aquino yan, naniniwala kayo dyan?”

Kris: “I love you, hater.”

Netizen: “Ang bitter naman.”

Kris: “Because ampalaya is also good for your health.”

Netizen: “Chill lang po. Medyo mainit ang panahon. Everything will be fine.”

Kris: “I can afford our Meralco bill – thank you very much. May MVP rewards pa.”

Netizen: “Naka-beauty effect yata si Bimb? Hahahaha”

Kris: “Have you ever considered that our home is well-lit, my phone’s camera has high quality resolution, and with 3.3 million followers, I’d make sure my son’s good skin was clearly evident? Maybe you and your friends would like to meet us in person to prove that he doesn’t need beauty effect because he got his mom’s DNA?”

Netizen: “You are using your evil mechanism to Bong Go to silent Mocha, right? Alam na ng mga tao ang ugali mo. Stop playing innocent as if you don’t know what your parents did kaya naghirap ang Pilipinas! #stupidbrat”

Kris: “ Sweetheart, may I just correct your first sentence — it really bothers me to be attacked with wrong grammar: You are using your evil machinations (not mechanism) with (not to) Bong Go to silence (not silent) Mocha, right? There you go. Now be proper and thank me for correcting your deficiencies.”

Afterall, nakilala rin si Kris bilang “Queen of Talk” kaya naman hindi pwedeng hindi siya ma-talk, di ba?

(Thanks to Kapamilya Online World for the compilation.)

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: