Social media personalities na sina Buknoy Glamurrr at Sassa Gurl, nagsagutan?

Trending topic na naman ang pangalan ng social media personality na si Buknoy Glamurrr.

Ito ay matapos nitong sagutin ang mga naging pahayag ng kapwa social media personality na si Sassa Gurl.

Sa isang podcast kamakailan ay naging topic nina Sassa Gurl si Buknoy at ang talent management na may hawak dito.

Naungkat ang mga nakaraang issue na kinasangkutan ni Buknoy.

Narito ang naging pahayag ni Sassa Gurl.

“Alam ko naman problematic si Buknoy pero bakit pa kasi nila binibigyan ng platform… bakit di nila (Star Image) gina-guide nang maayos.. ako laman ako ng Tiktok at lagi kong nakikita na lagi siyang may video ng ganun pero dun lang pumunta ang management.”

Hindi nagustuhan ni Buknoy ang mga naging pahayag na ito kung kaya naman sinagot niya ito sa isang video.

“Wag n’yo na lang gawing issue ‘to… eto na ang kumento ko, first of all Sassa Gurl… oo ine-educate mo yung mga taong nagkakamali dito sa Tiktok pero bakit kailangang paki alaman yung mga dating issues? Bakit? For what? Para kumita ka ng pera?

“Para dumami yung followers mo? Gusto kong malaman para saan? Kasi napakatagal na nung issue gusto mo pang buksan.. Alam mo Sassa sa industriyang ito dapat piliin mo ang mga taong babanggain mo!

“Piliin mo yung mga taong kailangan mong i-call out kasi hindi lahat ng tao… nagkakamali parati, Ikaw ba Sassa… Sassa Gurl, perpekto ka ba? hindi ka ba nagkakamali sa buhay mo? I need the faster answer right now!

Sabihin na nating kampante ka ngayon kasi marami kang followers, fans, viewers pero for how long Sassa Gurl? Kinu-call out kita ha.. Love you and God bless.

“Maraming influencer na nagsabi sa akin na bully ka, isa kang malaking bully! And if you think that you are powerful, no you’re not! Ok tayo?

“Napakaluma na ng isyu binubuksan mo pa, what’s your problem? Gusto kong malaman yun, I want and I need the fastest answer from you okay? Love you and Godbless, stay safe.”

Matatandaang sunod-sunod ang naging kontrobersiya na kinasangkutan ni Buknoy kung kaya’t lagi itong laman ng social media.

Ang pinakahuli nga ay ang pag-iimbento niya ng issue tungkol kina Vice Ganda, Ion Perez, at Awra Briguela.

Naglabas siya noon ng public apology at nasuspindi ng kanyang talent agaency.

Samantala, tila hindi na pinatulan o sinagot ni Sassa Gurl ang mga naging pahayag ni Buknoy.

Sa kanyang Twitter account ay hindi na niya direktang sinagot pa ang issue.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: