Ex-boyfriend ng ina, naging jowa rin ng anak

Usap-usapan ngayon sa social media ang nangyari sa isang segment ng ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime” kahapon, June 28.

Ito ay sa segment na “ReINA ng Tahanan” na isang kakaibang pageant para sa mga ina.

May isang portion ang nasabing contest kung saan isang kapamilya o malapit na kaibigan o kamag-anak ang magtatanong sa mismong contestant tungkol sa mga isyu o bagay na gusto nilang malinawan.

Kadalasan ay anak, magulang, kapatid, o asawa ang nagiging bisita para magtanong.

Sa episode kahapon, si Angela na anak ni contestant no. 2 na si Nanay Mel ang naging sorpresang bisita at nagtanong tungkol sa isang bagay na ikinagulat ng lahat maging ng mga hosts na sina Vice Ganda at Kim Chiu.

PHOTO: ABS-CBN | It’s Showtime

Ang tanong ni Angela sa nanay niya: “Nagkaroon ka ng boyfriend tapos naging boyfriend ko din.”

Hindi pa ito tapos magtanong pero may follow-up question na agad si Vice. “Yung jowa ng nanay mo, naging jowa mo?”

Napa-react din si Kim ng: “Ay. Magnanay nga sila.”

Nagpatuloy si Angela sa pagtatanong sa nanay niya.

PHOTO: ABS-CBN | It’s Showtime

“Gusto ko sanang itanong, ano yung naramdaman mo nung sinabi ko yun sa ‘yo?”

Teary-eyed si Nanay Mel nang sumagot.

“Sa totoo lang, nung inamin mo yun, para sa akin balewala na kasi wala naman na kami.

“Ang ayoko lang, masama ang loob ko. Bakit siya pa? Kasi nanggaling na sa akin.

“Parang hindi na nga maganda yung naging ano namin kasi nag-break kami tapos ikaw din.

“Hindi kita mapayuhan kasi masaya ka eh. Nakikita ko sa ngiti mo na masaya ka.

“Kaya magpaparaya ako at hindi ko pakikialaman yung desisyon mo kasi wala akong ibang hihilingin saka gustong mangyari kundi maging masaya kayong mga anak ko.”

PHOTO: ABS-CBN | It’s Showtime

Tinanong ni Vice si Angela kung hindi ito na-weirdo-han na naging jowa niya ang ex ng nanay niya.

Sagot naman ni Angela, “I was young and stupid tapos pogi nga.”

16 years old daw siya noon at nasa 20-anyos naman ang lalaki.

Nang i-upload ang video ng nasabing segment sa Facebook account ng noontime show, agad itong dinagsa ng comments mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga sinasabi (published as is).

“I think ito yung dahilan kung bakit hindi siya nanalo. Hindi magandang example sa mga nanunuod na mga bata. Just my opinion😅”

“Mga walang kahihiyan grabe ako ang nahiya sa tinanong nung anak privacy un eh grabe tapos ang masakit nagawa nya sa nanay nya un? Di ko lang maisip kung normal ba silang mag ina..”

“Ito pala sinsabi ni vice nung nkaraan. I’m not here to judge. We learned from expirience. Saka muka naman po silang happy mag ina.”

“It doesn’t really mean na okay sa mother mo girl eh okay tlga. Syempre. Hndi nya haharangan ang kaligayahan mo. Kahit nga sa barkada, humingi ka ng permiso na liligawan ka ng ex ng friend mo eh msama na, ano pa kayang nanay mo dba? Pero all is well nman sa inyo kaya happy nlg din ako for you. God bless you both ❤”

“Nice topic. My mga bagay talaga na, dapat pag usapan at maging openminded lang ang tao. At totoo talaga ang realidad ng buhay.”

“Grabe maka yuck nmn ng mga eto…  sbi nga nya young at stup*d xa kac 16 p xa noon… naaatrak sa looks.. mapanghusga kau… lesson learn ndin nmn …”

“Kadiri. Wala na bang ibang ulam? Kailangang magsalo sa isang “putahe”. Anyway, judgemental lang ako, trip nyo yan eh. 😂 😂 😂. Ew.”

“Kaya some of the girls/boys nasasaktan eh, dahil sa ganyang mindset na jinowa because of the looks?! Seriously? Haha. Ganda ka, teh?”

“Kapal ng muka ng anak kaloka. Ang harot harot Wala nabang Ibang lalaki teh.. Natural sino ba natutuwa tinuhog kayong magina.. Itsura MO mukang proud kapa.. Harot Lang..”

“Hindi ko maimagine ex ng mother mo naging jowa mo din parang ang akward“

Panoorin dito ang kabuuan ng video.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: