Inireklamo ng isang factory worker sa Valenzuela ang pinagtatrababuhan nito na nagpasahod sa kanya ng puro barya.
Una na itong ipinost sa Facebook ng pinsan ng nasabing construction worker.
Ayon sa post, ang inirereklamong pabrika ay nagpasahod ng puro tig-5 at 10 sentimo.
Tinawag sa nasabing post ang atensiyon ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.
Agad namang umaksiyon si Mayor Gatchalian at ipinatawag sa opisina nito ang representative ng inirereklamong Next Green Factory.
Hindi pa umano nakakausap ang may-ari ng pabrika dahil out of town ang mga ito.
Agad na umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa publiko ang nasabing reklamo.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).
“I find this offensive, it’s like a slap on the employees face, it’s like saying this is what you are worth. This is not acceptable, this employer should be fined.”
“T*ng in*ng may ari ng business na ´yan. Kung di nila kayang tratuhin ang mga empleyado nila ng tama, di dapat sila nag bi–business. Imbis na maging inspiration sa mga employees nila, sila pa ang nagbibigay problema sa mga empleyado nila.”
“Oo pera yan, pero ang ginawa ng amo nya ay nagpapakita lang ng pagiging mata pobre nya. Tangalan ka sana ng permit to operate.”
“juskopo,di na nga tinatanggap ngaun ang 25 centavos sa sari sari store,10 centavos pa kaya .. grabe nman po yan.”
“kahit ano pang antas mo sa buhay, kung ganyan nman pag uugali nyan mga lintik na yan. hindi dapat nirerespeto yan mga ganyan inutil na tao. daig pa ng walang pinag aralan ang ginawa nila. tandaan nyo, ndi ka irerespeto ng tao kung ndi mo sila rerespetuhin.”
“Mga baliw pagod na pagod ka mag trabaho maghapon tapos papagorin ka pa magbilang Ng sahod hayssst mga walang puso tindahan nga ayaw tanggapin ung 25 cents eh.”
“He thought it was funny to treat his employees like this. He is aware that his employees are underpaid and overworked yet he treated their situation like a joke. Disgusting. 🤡”
“sana sinabi niyo kulang, para bilangin uli ng mga yan”
Ikaw, anong opinyon mo tungkol dito?