Viral CPR scene sa isang Pinoy teleserye, trending na naman sa ibang bansa

Usap-usapan na naman ang isang eksena sa isang Pinoy teleserye matapos itong mapansin ni celebrity US-based doctor Mike Varshavski.

Sa kanyang tweet, sinabi niyang:

“These chest compressions hurt my soul.”

Ang nasabing eksena ay kuha mula sa GMA-7 teleserye na Kambal Karibal noong 2018.

Mapapanood sa eksena ang isang nurse na nagsasagawa ng cardiopulmonary resuscitation o CPR sa karakter ni Carmina Villaroel.

Nag-viral na rin ito noong dahil sa hindi makatototohanang pagsasagawa ng CPR na naging katawa-tawa para sa ilan.

Sa muling paglutang ngayon ng nasabing video clip, samu’t sari na naman ang naging reaksiyon ng netizens, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa na rin.

Narito ang ilan sa mga komento sa nasabing tweet ng sikat na celebrity doctor.

“You’ve ruined medical dramas for me because all I do now is call out how poor the chest compressions are to my fiancé every episode we watch lol”

“That’s not CPR, she’s just waking the person up lol”

“Omg she looks like she’s kneading bread or something”

“I’ve applied more pressure than that when seasoning a chicken breast”

“Its  the director & the camera man’s fault the nurse is just an actress portraying your jobs. Tbey shouldve avoided to show that on the camera lol”

“Ah this is pathetic. She is barely applying any pressure. But on a side note they should portray correct medical procedures as people see these shows and one day it might help someone.”

Nagkomento rin ang ilang Pinoy netizens.

“Hahaha only in Filipino telenovelas hahaha. Sana naman aim higher sa quality ng mga telenovelas. Kasi di lang for entertaining, dapat for information dissemination din.”

“parang di pinag-isipan. Memagawa lang na scene ganer”

“This is embarrassing .. considering the country it’s from could be considered one of the biggest contributor of healthcare workers abroad , me included”

“NAKITA NA NI DOC MIKE. AYUSUN NIYO KASI”

“I know this one! It’s a telenovela series in the Philippines. You’ll have a heart attack the moment you see all the medical inaccuracies our telenovelas can offer lol”

Maliban sa tweet, ibinahagi rin ni Dr. Mike sa kanyang Instagram story ang screenshot ng nasabing eksena.

Tanong niya:

“Is she performing chest compressions or the new TikTok dance?”

Si Dr. Mike ang tinaguriang “sexiest doctor alive” at nakilala sa Pilipinas dahil na-link noon kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: