“‘Yung face shield ang luma na… hanggang ngayon isuko na natin ‘to.”
Ito ang naging pahayag ni Vice Ganda sa “It’s Showtime” kahapon, June 22.
Sa gitna ng tsikahan sa segment na “ReIna ng Tahanan” ay napagdiskusyunan ang usapin ng face shield.
“Sino bang producer nito at ayaw sumuko?”
Malakas ang naging tawanan ng iba pang nasa studio sa sunod-dunod na banat ng komedyante.
“Sino bang supplier natin ng face shield?
“Ayaw mo pang isuko, day.
“Madami pa ba kayong supply dyan?
“Kaloka, laban-laban, bawi-bawi ha.”
Matatandaan kasing nagkaroon ng magkakasalungat na pahayag ang ilang opisyal ng pamahalaan hinggil sa pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar.
Panoorin ang nasabing mga pahayag ni Vice dito.
FACE SHIELD X ALFRED VARGAS
hahahhahahahahha👏👏👏👏👏 lezzgo maaa pic.twitter.com/ngSP34eVtq
— ✨🧡𝙺𝙸𝙼𝙼𝚈🧡✨ (@foreverPonyVG2) June 22, 2021
Ang tinutukoy niyang “laban-laban, bawi-bawi” ay ang paiba-ibang anunsiyo hinggil sa face shield.
Unan nang sinabi ni Senate President Tito Sotto na pumayag na si Presidente Duterte na sa ospital na lamang gamitin ang face shield.
Last night, the President agreed that face shields should only be used in hospitals. Allowed us to remove ours! Attn DOH!
— Tito Sotto (@sotto_tito) June 16, 2021
Sinundan ito ng pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi na umano required ang pagsusuot ng face shield sa labas ng bahay maliban na lamang sa mga matataong lugar gaya ng public transportation at public markets.
'HINDI NA PO KINAKAILANGAN ANG FACE SHIELD SA LABAS'
Presidential Spokesperson Harry Roque announced Monday that the wearing of face shields is not required when outdoors except in public transportation and crowded places like public markets. pic.twitter.com/nVAELO39k1
— The Philippine Star (@PhilippineStar) June 21, 2021
Ilang oras lamang matapos ang pahayag na iyon ay muling naglabas ng anunsiyo si Roque na salungat sa nauna na nitong sinabi.
Acting on the advice of health experts and in view of the Delta variant, PRRD declared that the wearing of face shields, both indoor and outdoor, is still mandatory.
— Harry Roque (@attyharryroque) June 21, 2021
Nagdulot tuloy ito ng kalituhan sa publiko.
Basahin dito ang reaksiyon ng ilang netizens hinggil sa mga naging pahayag ni Vice sa noontime show.
louder vice ganda!!! tama na face shield HAHAHAHSILDHOAISDHAOISDHO
— Reese #IbalikAngABSCBN (@ViFeelings) June 22, 2021
✔️ 06/22/21 | On the use of face shields
"Sino ba supplier natin ng face shield, ayaw pa isuko, madami pa ba kayong supply dyan."
"Laban laban, bawi bawi ah."Vice Ganda has spoken! hahahahah queen of shades!#ShowtimeINAmazingpic.twitter.com/rJm3k9hJbr
— Reese #IbalikAngABSCBN (@ViFeelings) June 22, 2021
Meme @vicegandako!!!! Shuta ka! Humirit ka talaga sa face shield. Haha! Wag ka maingay! Binabawi pa puhunan. Chareng! #ShowtimeINAmazing
— Anima Krisy ✨ 风信子 (@whatsupjared) June 22, 2021
Tapos yung shade pa kay Alfred Vargas at sa face shield fiasco HAHAHAHA Sexbomb na Sexbomb ang peg kaloka#ShowtimeINAmazing #FeelGoodPilipinas
— Hey, Run / #FeelGoodPilipinas / #BBPrideHome2021 (@Hoy_Takbo27) June 22, 2021
“Sino bang producer nito at ayaw isuko? Sino bang supplier nitong face shield? Ayaw niyo pa isuko? Dami pa ba tayong stock dyan?” Hahahaahaha #ShowtimeINAmazing
— Lola Tala ✨ #TeamLeniRobredo (@santoscharot) June 22, 2021
Ikaw, anong masasabi mo hinggil dito?