Trending sa social media ang kuwento ng isang 12-taong gulang na babae sa Palawan na nahihirapan sa kanyang dibdib na tumitimbang ng 20 kilo.
Sa episode ng GMA-7 show na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) kagabi, itinampok ang kuwento ni Yumi mula sa Puerto Princesa City, Palawan.
Ayon sa report, umaabot na hanggang sa kanyang pusod ang dibdib ni Yumi.
Kung ang mga batang babae na kaedad niya ay gumagamit ng baby bra, si Yumi naman ay kailangan nang gumamit ng size 40 DDD cup.
At dahil nahihirapan siyang makahanap at makabili ng ganitong size, tatlong piraso lamang ang gamit niyang bra na nabili pa niya mula sa ukay-ukay.
Sa kwento niya, nahihirapan daw siya sa bigat ng kanyang dibdib.
Sumasakit ang kanyang balikat at likod dahil sa bigat ng kanyang dibdib lalo na nga at 4’9″ lamang ang tangkad niya ngunit 20 kilo ang timbang ng dibdib niya.
Dahil sa kalagayan niyang ito, lagi na lamang nagkukulong si Yumi sa loob ng bahay upang makaiwas sa mga tukso.
Sa kuwento naman ng tiyahin niyang si Grace, nagsimula raw lumaki ang dibdib ni Yuri nang magkaroon na ito ng regla noong nakaraang taon.
May isang pakiusap si Yuri sa lahat dahil sa kondisyon niya at sa nararanasang pambu-bully.
“Sana po huwag po silang manyak ng babae kasi pare-parehas lang naman po tayong mga tao. Pareho lang po ang isa’t isa.”
Nakapagpatingin na sa espesyalista si Yuri at sinabing ang kondisyon niya ay tinatawag na juvenile gigantomastia.
At ang tanging solusyon umano dito ay operasyon na nagkakahalaga ng PHP600,000 – PHP1,000,000.
Agad na nag-trending ang nasabing kuwento at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa publiko.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).
“Ang hirap ng kalagayan ng batang ito sa edad dapat nararanasan nya yung normal na pagdadalaga at pagiging teenager.masakit sa isang magulang makita mo ang anak mo na nahihirapan”
“Hindi nman nya kagustohan ng maging ganyan erespito po natin cya kc Hindi natin alam kng gaano kahirap sa situation nya laban lng bhe may awa din ang maykapal mabalik kadin sa normal tiwala lang!Godbless!”
“kawawa nmn ung bata khit n mlaki ang dinadala nya tandaan ntin bata prin yan sa mga ngbabastos wag n kyong dumagdag sa bigat n dinadala ng bata.”
“that feeling ung baon na baon kana sa depression anxiety hiya at panliliit sa sarili lubog na lubog kna tapos nabubully kapa kaya imbis na lumakas luob mo napang hihinaan ka talaga dahil sa mga utak talangkang mga at wlang pakiramdam na tao kapit lang yumi gagaling ka din”
Panoorin ang buong episode ng KMJS dito.
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! 😍
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily