Binatang nakipagtalo sa awtoridad, hindi kinunsinti ng ama na isang kagawad

Viral sa social media ngayon ang isang video kung saan nakuhanan ang pakikipagtalo ng isang binata sa awtoridad.

Bahagi ng isang clearing operation sa Manila ang isinasagawang operasyon.

Screenshot: YouTube | Papapau – Jaenikay Daily

Nagsimula ang pagtatalo nang masita ang nakaparadang motor ng binata sa bangketa sa kalsada.

Iginigiit niya na tapat lamang iyon ng kanilang bahay kung kaya’t pwede siyang mag-park doon.

Sagot naman ng awtoridad, bahagi na iyon ng bangketa o kalsada kung kaya’t kailangang tiketan ang binata gaya ng ginawa sa ibang nakaparada rin sa bangketa ang sasakyan.

Screenshot: YouTube | Papapau – Jaenikay Daily

Dito na nagsimulang uminit ang sagutan na nauwi sa panduduro at pagmumura ng binata.

Pati ang ina ng binata ay maririnig na nakikipagtalo at nangangatwiran na sa awtoridad.

Maririnig din sa video na kuha at ini-upload ni Papapau – Jaenikay Daily ang pagsigaw at pagtawag ng binata sa kanyang ama.

Makikita ang pagbaba ng ama niya mula sa kanilang bahay.

Screenshot: YouTube | Papapau – Jaenikay Daily

Sa halip na kampihan ng ama ang anak ay hinablot niya ito sa buhok para papasukin sa loob ng bahay.

Nang patuloy pa rin sa pakikipagtalo ang binata ay ang ama na ang humarap dito.

Screenshot: YouTube | Papapau – Jaenikay Daily

Agad na nag-viral ang nasabing video at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“Awareness is good, this is a good example. Social media is powerful it can ruin someone’s life. Hope this kid can take all the bashing he will get because of this video being viral. If there is fire someone should take it down and not create another fire.”

“Sana sa mga nag papatupad ng batas wag din po makipag sabayan sa init ng ulo kayo po mas nakaka intindi. Kung minura po kayo mag dasal at esama sa report wag na po papatol.”

“At sa mga mag mamaitigas, wag kupal wlang mga eksena kung wlang maling ginagawa. Makipag usap ng maayos at Huwag maging bastos dahil mas lumalala ang sitwasyon.”

“Saya saya no? Sapok tuloy inabot nya! 😆 Dapat pati yung isang anak eh sama nadin yung nanay na konsintidor! Bago sana mag react eh kung may parking area talaga sila. Kaya nga illegal kasi mga wala namang parking lot. 🤧”

“fave part ung kinaltukan sya ni kagawad😂”

“Paki zoom-im po yung sa pagbatok, saka yung clear na clear 🤣🤣🤣”

“Good job sa tatay,, Hindi kunsintidor. Hindi niya pinagtanggol maling paninigaw at pagmumura ng kanyang anak. Ginamit niya ng wasto ang kanyang pagiging opisyal ng gobyerno, pagiging barangay kagawad. Nararapat lng na batukan ng matuto. Very good.”

“Mga balasubas din naman kasi mkipg usap to sila eh kaya yan tuloy inangasan kau hahaha..”

“Buti nalang my tatay n hindi kunsintidor, ngayon alam muna nah’ n hindi pede yung mga ganun galawan mo sa tatay mo boy, bali sungay mo.”

Panoorin ang nasabing viral video dito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: