62-taong gulang na lola, pinuri ng netizens dahil sa pagtatapos ng high school

Pinatunayan ng isang 62-taong gulang na lola na hindi hadlang ang edad sa pag-abot ng pangarap.

Sa pamamagitan ng Alternative Learning System o ALS sa Timoteo Policarpio Memorial School ay nakapagtapos si lola Josephine Amante Villatema.

PHOTO: Glenn Mendoza

Ayon sa interview ng GMA News sa kanya, sinabi niyang pinagsikapan niyang magtapos ng high school dahil pangarap niyang makapag-aral ng culinary arts sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Dahil sa nasabing balita, maraming netizens ang pumuri kay lola.

Ang ilan sa kanila ay nagsabing nagsilbing inspirasyon ang tagumpay niya upang patuloy silang magsikap sa pag-aaral.

PHOTO: Glenn Mendoza

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Ang edukasyon ay hindi nasusukat sa edad. Ito’y walang panahon at kahit sino ay pwedeng magtagumpay! Sumasaludo po sa iyo, Nay!”

“Congratulations po sa inyoooo๐Ÿ’— Indeed there is no age limit when it comes to pursuing your own dreams”

“Tama walang pinipiling edad ang edukasyon. Naranasan ko po na kwestyunin ang edad ko sa pagpasok muli sa kolehiyo. Dapat daw nagtatrabaho na ko kasi mid20s na(bata pa naman eh๐Ÿ™„) natatawa nalang ako sa mga taong dinidiktahan ka pero sila hindi nila kayang diktahan sarili nila. SkL๐Ÿ˜‚ Shout out sa mga taong yun!!”

“I am impressed! Malaki kayong encouragement lalo na sa akin ๐Ÿ˜Š. Congrats po.”

“Wow congrats po nanay ๐Ÿ˜๐Ÿฅฐ๐Ÿฅฐ isa ka pong inspiration sa amin na nag aaral sa ALS na makapagtapos din at maka graduate๐Ÿ’— This is it kahit mahirap ipagpapatuloy ko padin ang pag aaral kasi may pangarap ako ๐Ÿ˜ Pangarap na grumaduate๐Ÿฅฐ”

“Ngayon po ay lalong lumakas ang loob ko para tapusin din ang aking pag aaral. Proud ALS student๐Ÿ™๐Ÿ™‚”

“Ang namimili lang naman ng edad ay yung pinapasokan natin na trabaho jn sa pinas dapat wala din pinipiling edad pag dating sa trabaho anyway Congrats po”

“Sana dito sa bansa natin wla ring diskriminasyon pgdating sa trabaho,ung iba kasi idadown kna porket my edad na,just help them to be more productive and let them be as long as they can”

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! ๐Ÿ˜

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!