Umani ng papuri mula sa netizens ang isang ama na nagawang pagtapusin ang mga anak sa kolehiyo dahil lamang sa pagtitinda sa kalsada.
Sa Facebook post ni Karissa Mae Nievera, ibinahagi niya ang larawan ng nasabing ama.
Ang kuwento niya sa kanyang post:
“Was walking along Puregold Monumento when we saw Tatay selling these cute scrunchies for only 10php. He is Tatay Geronimo, a hardworking husband to his wife and loving Father to his children. If you get a chance to go to Monumento in the morning please buy some of his scrunchies so that he’ll get home early and enjoy the time with his family.❤️
“The scrunchies are good in quality! Let’s help Tatay Geronimo.”
Matapos niya itong i-post sa Facebook, nag-chat sa kanya ang isa sa mga anak ni Tatay Geronimo.
Ikinuwento nito na nakapagtapos silang lahat na magkakapatid ng pag-aaral dahil sa pagtitinda ng kanilang ama.
Agad na nag-viral ang nasabing post at umani ng sari-saring reaksiyon mula sa netizens.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).
“Yayyyy Salute to you Tatay for being a responsible and loving husband and father! ❤️”
“If you don’t believe in heroes then please have a look at your dad.”
“There is nothing great than love ❤”
“Nakatapos na pala. Then its our time to give back. Di para pagbayaran bilang anak yung sakripisyo ng tatay kundi para makapag pahinga at ma enjoy na ni tatay ang senior yrs.”
“Happy happy father’s day po kay tatay🙏ingat po kayo. Bigla ko naalala ang aking ama na nasa heaven na, katulad nyu po,mapagmahal, napakasipag at npakaresponsable. Missing you so much,Pa🥺”
“sipag pa rin ni Tatay kahit nakapag tapos na mga anak niya. A great father and a hero. God bless you and your family more.”
“Ganda po ng tinitinda mo tay tsaka nkkproud po kayo kase npagtapos mo po mga anak mo sa knilang pag aaral”
“Reminds me of my late father 🥺 He will do anything to sustain our needs. Unfortunately he died early at his age, I wasn’t able to spoil him. 😢 Missing you so much my dearest immo tito. 😭”
“Saludo ako sayo tatay. Sana ay masuklian ng mga anak ang pagod at sakripisyo ng kanilang ama. Happy fathers day”
Bisitahin ang nasabing viral post dito.
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! 😍
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily