Ibinahagi ng sikat na vlogger na si Basel Manadil na mas kilala bilang “The Hungry Syrian Wanderer” ang isang magandang balita.
Sa kanyang latest vlog ay ibinunyag niya na isa na siyang naturalized Filipino citizen.
Ayon sa kanya, noon pang 2019 naaprubahan ang aplikasyon niya upang maging isang Filipino.
Sa nasabing video, ibinahagi ni Basel ang pag-aapply niya ng Philippine passport noong April 2019 kasabay ng pag-alala niya sa mga ginawa niya rito sa Pilipinas sa mga nakalipas na taon.
Inamin din niya na nagdesisyon siyang itago muna ang balitang ito sa loob ng dalawang taon dahil gusto muna niyang personal na namnamin ang pagiging isang ganap na Pinoy.
“When I had this more than two years ago, I wanted to have that moment for myself. I am considered Filipino and my blood is Filipino Plus. So, hindi tayo negative mga tao. It’s a plus.”
Binalikan din niya ang kuwento kung paano siya napadpad sa Pilipinas.
“I came from a well-off family. I was born with a silver spoon in my mouth if that’s the term. The war started in Syria. So, my family wanted to send me here to the Philippines to study here.”
Ilang taon na siyang nakatira sa bansa ngunit hindi pa rin siya nagsasawa sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Saksi ang kanyang mga vlog sa mga tulong na ginagawa niya sa kanyang kapwa.
“I just felt like instead of me focusing too much on traveling, going to different areas, different places, I want to help as many people as I can. I can’t help everybody but just help random people that you meet.”
Ipinaliwanag din niya ang kuwento sa likod ng pangalan na “The Hungry Syrian Wanderer.”
Sabi niya, gutom siyang mag-ikot upang mas maraming matulungang tao at mas lalo pang makilala ang Pilipinas.
“It only means that I will never get full of the Philippines. So, there’s always something new to discover about this country and this is what I’ll always be doing in the coming years.”
Samantala, ikinatuwa ng kanyang mga tagahanga ang balita ng pagiging Pinoy ni Basel.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Congratulations for becoming one of us! I wish you great success in your compassionate and humanitarian endeavor specially focusing to the less fortunate and really in need of help. Thank you for being you and God bless.”
“Thank you for truly loving the Philippines not just in words but also in deeds! Mabuhay! 🇵🇭”
“U deserve to be a filipino citizen not by blood but ur heart is pinoy dba mga TAO.😍”
“Philippines is a melting pot since forever. People from all across have been migrating and residing here for various reasons. But only few of them truly dig deeper to culture and adapt to the community. You are one of those few Basel.”
“Naiiyak ako!!!! A foreigner who wants to be a filipino citizen and now a reality!!!! Welcome kabayan Basel!!! We love you”
Panoorin ang nasabing vlog dito.
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! 😍
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily