Jessy Mendiola, pinatunayan na hindi peke ang kanyang dibdib

Sinagot ng aktres na si Jessy Mendiola ang mga tinawag niyang “savage questions” mula sa netizens.

Sa isang vlog sa kanyang YouTube channel, isa-isa niyang sinagot ang mga tanong na ito.

Kabilang na dito ang tanong kung nagparetoke ba siya ng dibdib.

Natatawa na lang na pinindot-pindot niya ang itaas na bahagi ng kanyang dibdib.

“Yes, they’re real, guys.”

Isa raw ito sa madalas na tinatanong sa kanya ng mga followers niya sa social media.

“Actually, bigat na bigat na ako sa aking hinaharap.”

Nilinaw din niya na hindi sumagi sa isip niya ang pagpapadagdag o pagpaparetoke ng kanyang dibdib dahil nga nabibigatan na siya sa mga ito.

“Hindi ko na talaga kaya magpadagdag pa dahil bigat na bigat na rin ako sa aking hinaharap.

“Kaya ako nagpapayat noon dahil hindi ko na rin kaya ang bigat ng aking boobs.

“Real talk. Kasi nakukuba na ako and masakit sa likod.”

Isa pa sa mga sinagot niyang tanong ay kung anong size ang kanyang bra.

Natatawa na lamang siya at hindi makapaniwala na pati ang sukat ng bra niya ay interesadong malaman ng netizens.

“Ano ba ‘yan? Ang aking cup size ay 34B.”

Sinabi na rin niya pati ang kanyang vital statistics.

“34-25-38. Pag medyo bloated, 26 inches ang waist ko.”

Sinagot din niya ang issue ng pagpaparetoke umano niya ng ilong.

Ayon sa kanya, hindi siya nagagawa ng ilong.

Wala rin daw siyang ipinagawang bahagi ng kanyang mukha at lahat ng ito ay natural.

“Ang dami-daming nagsasabi na nagparetoke ako kasi nag-iba yung ilong ko, parang sobrang lumiit ang face ko.

“Pero ang totoo niyan, really, pumayat lang ako. At mas nag-mature yung face ko kaya mas naging defined yung features ko.

At para patunayang tunay ang kanyang ilong, inilapit pa niya ang mukha niya sa camera at itinuru-turo ito.

Ipinaliwanag din niyang nadadaan lamang ito sa make-up.

“Tingnan n’yo, make-up lang ‘yan. Mag-nose line lang kayo at mag-highlighter sa gitna ng ilong, tatangos din ‘yan.”

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: