Video ng babaeng ginawang katuwaan ang pag-order ng “crispy towel” sa Jollibee, nag-viral

Viral sa social media ngayon ang isang TikTok video ng isang babaeng customer ng isang sikat na fastfood restaurant.

Ibinahagi sa Facebook ni Keyrr Pasco ang nasabing video na nakuha niya mula sa TikTok.

Ang sabi niya sa caption:

Saw this on TIKTOK and I don’t find it funny gyud! Moba Ma’am?! 😡

I feel bad for kuya. I mean, look at his face when he said, “WALA MI ATO MA’AM” in a respectful way. 😥

To all Jollibee service crew, my big respect to you.

Mapapanood sa video ang isang babaeng customer na pilit na umoorder sa crew ng Jollibee ng isang “crispy towel.”

Hindi agad naintindihan ng crew ang gustong orderin ng babae kung kaya’t inulit nito ang pagsasabi ng sinasabi nitong bagong pagkain daw sa menu.

Nang makuha ng crew ang pinatutungkulan ng babae ay magalang pa rin itong sumagot at sinabing walang ganoon sa menu.

Ang tinutukoy ng babae na “crispy towel” ay ang nag-viral kamakailan na reklamo ng isang Jollibee customer kung saan nabigyan ito ng ‘fried towel’ sa halip na Chickenjoy.

Hindi malinaw kung ano ang intensiyon ng babae sa TikTok video na umoorder ng “crispy towel”.

Agad na nag-viral ang nasabing video at umani ng halos puro pambabatikos mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“pasikatin dapat tong babae na to.bigla nahiya c kua. hindi kna mapupunta sa langit ate”

“nagtratrabaho ng maaus ung tao. inunsulto mo ateng may sungay”

“Para sa views, gagawin lahat? Pasikat lang?”

“Wag kang umorder sa Jollibee kung manlalait ka lang kung sino ka man,yang bastos na bunganga mo ganyan din kasama ng ugali mo”

“Ano te ilan views nakuha mo? marami ba natuwa sa gnwa mo ha.? Nagttrabaho ung tao ng maayos gganyanin mo ungas ka”

“Very professional ang crew at marunong rumespito . Ipagpatuloy mo ang ganyan gawa kahit abot impyerno ang kabastohan at kawalang modo nyan andun parin ang respito mo sa kanya . God bless you”

“Mga ganyang low class d tlaga dpat pinapatulan..kudos sa crew”

“Napanuod ko sa tiktok ung may ari ng viral vid na yan. nakakaininis talaga yang matandang babae na nag order walang respito”

Panoorin ang nasabing video dito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: