‘Bagong-gising look’ ni Regine Velasquez, umani ng iba’t ibang komento ng netizens

Kamakailan lang ay naging sentro ng usap-usapan ang vlog ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid kung saan ipinakita niya ang itsura ng asawang si Regine Velasquez kapag bagong gising.

Sa nasabing video, makikita ang mag-asawa na nakahiga pa sa kama at kagigising pa lamang.

Buong-pagmamalaking ipinakita ni Ogie ang “no make-up” look ng kanyang asawa.

Game namang nakipagkulitan si Regine sa asawa.

PHOTO: YouTube | Ogie Alcasid

Umani ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Marami ang humanga kay Regine na hindi inalintana na bagong gising pa lamang at wala pang make-up.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens (published as is).

“Wow, walang kaarte-arte sa katawan. Love you, idol.” 

“But she’s still pretty even wtout makeup”

“Ang cute mo miss Regine para sa akin mukha kang Intsik 😊”

“Kitang-kita pa rin ang ganda.”

“lahat nman ng tao tatanda khit ano pa ang hitsura natin kya wag po ng judgmental sa kapwa ntin bsta masaya ka sa buhay go lng…”

“Parang ako lang din na walang kilay.”

“Still beautiful.”

“Kaya idol ko ‘to eh. Totoong-totoo lang.”

PHOTO: YouTube | Ogie Alcasid

Bagama’t marami ang natuwa, may mga nagsuluptan pa ring mga bashers.

“Iba talaga ang nagagawa ng make up. Panget naman pala.”

“Make up lang pala nagpapaganda sa kanya?”

“Kulubot na ang mukha. Di na maganda.”

“Mukhang namang mumu. Puro retoke kasi.”

“Nakakatawa ang itsura. Sa make up na lang umaasa.”

“Luhhh matanda at hindi pala maganda si regine maganda lang pag nag make up 😱”

“Subra ang tanda ng knyang mukha kay sa knyang edad ngaun. Nakakagulat talaga.”

“ang pangit pala pag wlang make up. para sya ano.🤣”

PHOTO: YouTube | Ogie Alcasid

Sa kabila ng mga negatibong komento, ipinagtanggol siya ng kanyang mga tagahanga.

“Todo n’yo na yan? Wala talaga kayong magawa? Bakit, magaganda ba kayo?”

“Ano bang gusto nyong itsura ng 51 years old? Walang kulubot?”

“Kayo ba sobrang ganda pag bagong gising?”

“Kahit ano pa maging itsura ni Regine, wag kayo mainggit. Tatanda din kayo at kukulubot. Dyan tayo papunta lahat.”

Panoorin dito ang nasabing vlog nilang mag-asawa.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: