Jollibee customer, harap-harapang ‘inireklamo’ sa manager ang kinakaing Chickenjoy

Viral ngayon sa social media ang isang video kung saan makikita ang harap-harapang ‘pagrereklamo’ ng isang customer sa manager ng sikat na fastfood chain.

Ang video ay ini-upload ni Lucky Mercado na isa palang vlogger.

At ang nasabing pagrreklamo ay bahagi lamang ng isang prank na ginawa nito.

PHOTO: YouTube | Lucky Mercado

Mapapanood sa vlog ang pag-order niya ng mga kilalang pagkain ng Jollibee gaya ng Jolly spaghetti, Yumburger, at Chickenjoy.

Nang umupo na siya at nagsimulang kumain, umarte siya na may napansing kakaiba sa kinakaing fried chicken.

Matatandaang kamakailan lang ay naging sentro ng kontrobwersiya ang fried chicken ng nasabing fastfood nang mag-viral ang post ng isang customer na nagreklamo na ‘fried towel’ ang natanggap na order sa halip na manok.

PHOTO: YouTube | Lucky Mercado

Agad na sumugod si Lucky sa counter at hinanap ang manager at harap-harapang nagreklamo sa kinakaing manok.

Ang tanong pa niya:

Tina-try n’yo bang pagkain n’yo?

Ipinakita pa niya sa manager ang pagkagat niya ng manok, sabay sabi ng:

Ang sarap! Sobrang sarap ng pagkain n’yo!

PHOTO: YouTube | Lucky Mercado

Tila nakahinga naman nang maluwag ang manager nang malamang prank lamang pala ang reklamo.

Sa bandang dulo ng vlog ay nagbahagi si Lucky ng kanyang opinyon hinggil sa kontrobersiyang kinasangkutan ng Jollibee.

Sumang-ayon naman ang karamihan ng viewers at nagbigay din ng kanilang saloobin hinggil sa issue.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“We still Love you Jollibee.. may mga pagkakataon talaga na hindi maiiwasan ang pagkakamali pero bilang tao matuto tayong alamin at unawain ang sitwasyon.”

“Khit anu pninra ang gwin nyo basta aqoh msyang msya basta jollibee pborito qoh llo n ang chickenjoy.the best p rin ang jolliibe”

“Pampa good vibes at pampa luwag loob. Good job po. Fight lang Jollibee. Walang nagkagusto nito. I really think those fuck up bashers created that fried towel to ruin your name. But still don’t give up.”

“jolibee pa rin kami buong 👪 family anak hanngga ng mga apo.dyan kami nagpapa birthday.mabuhay ka jolibee. Walang makakasira sa iyo. 💛”

“Tama minsan may pag kakamAli..kasi kumain din kami ng jollibee last hilaw ang manok may dugo pa..pero ni isang crew wala kami tinawag..umalis lang kami nkita namin tiningnan ng crew at tumingin sa amin..nkakaawa din kasi mga nagtratrabaho..pero may iba talagang mapang asar”

As of this writing,mayroon nang 23 million views ang viral video.

Panoorin dito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: