Kris Aquino, sinupalpal ang basher na tumawag sa kanya ng ‘pangit’

Hindi pinalampas ni Kris Aquino ang isang netizen na nag-iwan ng negatibong komento sa kanyang social media post.

Kamakailan ay nag-post ng isang video ang actress-TV host sa kanyang social media accounts kung saan ipinakita niya ang pag-aayos ng bulaklak.

Nilagyan niya ito ng caption na:

Kamusta ang Monday nyo? Because i believe ine-effort ang maging happy. #lovelovelove

Good vibes lang sana ang hatid ng nasabing video lalo na sa mga followers niya na sa social media na lang muna tumututok sa kanya.

Ngunit may isang negatibong komento na nakakuha ng atensiyon ni Kris.

Pinansin ng nag-comment ang itsura ni Kris sa nasabing video.

“Pangit pala si Miss Kris pag walang make up. Sorry just saying.”

Hindi naman ito pinalampas ni Kris at sinagot ang nasabing komento.

“Beauty is in the eye of the beholder, I could easily say a very bitchy comment about your looks right now pero bakit pa?

“Hindi naman ikakaganda ng buhay ko and hindi makakatulong sa lipunan… siguro you need to find happiness? And thank God diba, ako gumaganda pag may make up.”

Binura na rin agad ng netizen na iyon ang kanyang komento matapos itong makatikim ng prangkang reply mula kay Kris.

PHOTO: Kapamilya Online World

Samantala, sa ilang komento naman ay pinapurihan si Kris sa mabuting pagpapalaki niya sa kanyang mga anak.

Narito ang ilang komento ng kanyang followers (published as is).

“aww… sweet talaga ni Bimb! With our sons talaga, love is forever! They’re the only men in our life that will never ever leave us, Single moms. You really did a great job in raising your son madam Kris Aquino. I salute you!”

“Just be strong and hold on !you’re the best mom ever !I admire you Ms.Kris for being a strong and devoted parent for your children”

“So happy to see you not lying on bed and have your signature laugh and kikay hand gestures, Ms Kris Aquino.”

“Beauty cannot found outside,mawawala din yan..but the real beauty inside that last just like you have mommy kris,stay strong po and wish you good health”

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: