Bata na nakalunok ng piso, ihiningi ng tulong sa netizens

Isang bata na aksidenteng nakalunok ng piso ang ihinihingi ng tulong sa mga netizens.

Sa post ni Facebook user Baby Gie, sinabi nito na kailangang makalikom ng 40,000 pesos bilang down payment para sa operasyon ng bata.

“Ito npo sya ngayon kailangan po ng down payment na 40k pra po maoperahan na sya kailangan pa po nla hmanap ng pera bago po maoperhan yong bata mga friends nkikiusap po ako sa inyo pa share nman po pra may tmolong sa knila kc nhihirapan npo ang bata kailangan nya agad agad maoperhan ipray nrin po ntin na sna mging ok npo at nang mging ok po sya πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™kailangan mna ng pera bgo po sya maoperhan pnu po kong bukas o sa mkalawa pa bgo mkalikum ng 40k kya sna po mtolongan po sla agad..πŸ™??πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™”

Walang ibang malinaw na detalye sa nasabing post tungkol sa kalagayan ng bata.

Ngunit base sa mga komento sa post at sa kalakip na larawan ng x-ray, makikitang nakalunok ng piso ang bata.

Agad dinagsa ng iba’t ibang reaksiyon ng netizens ang nasabing post.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Hala! Sana maaksyonan agad ito.”

“Ipagdasal natin ang kaligtasan ng bta.”

“Maging maingat na tayo sa mga bata. Wag natin sila pahawakin ng pera lalo na kung walang bantay.”

“Maging aral sana ito sa lahat ng mga magulang.”

“Kawawa naman siya. Buti nalaman agad na nakalunok sya ng pera.”

Sa sumunod na mga post ay nagbigay na ulit ng update tungkol sa bata.

“Ang hrap tlaga ng wlang kang pera tas may drating na hndi mo inaashan na pangyyari ay nku ma mmatay klang kc wla din nman plang ttanggap at hndi ka ggalawin hanggant wla kang pera na ipapkita sa knila…..kya sna sa nangyri ngayon mag silbing aral na ito sa iyo huh pti nrin sting mga nanay na wag pbabayaan ang anak na mag laro ng khit na anong mlliit na bgay….”

Ibinahagi rin ng ina ng bata ang larawan ng piso na nakuha mula sa anak.

Hindi rin nito nakalimutang magpasalamat sa mga taong tumulong sa kanila.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!