Video ng aktuwal na paggawa ng Chickenjoy, viral sa social media

Viral ngayon sa social media ang video ng aktuwal na paggawa ng Chickenjoy ng Jollibee.

Ito ay sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya ng nasabing sikat na fastfood restaurant.

(Video: TikTok | Neil Gilbert Dejucos)

Sa TikTok video na ini-upload ni Neil Gilbert Dejucos, ipinakita niya ang aktuwal na proseso ng paggawa ng nasabing sikat na pritong manok.

May apat na bahagi ang video na nagsimula sa preparasyon hanggang sa pagluluto.

(Video: TikTok | Neil Gilbert Dejucos)

Ipinakita rin niya kung paano ang mabusising step-by-step procedure ng paghahanda nito.

Agad na umani ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens ang nasabing videos.

(Video: TikTok | Neil Gilbert Dejucos)

Ayon sa ilang netizens, napakabusisi at napakalinis naman pala ng paraan ng paghahanda at pagluluto nito.

Mas lalo tuloy naging palaisipan kung paano nangyari ang insidente na inireklamo sa isang viral post kamakailan.

(Video: TikTok | Neil Gilbert Dejucos)

Matatandaang kamakailan ay naging sentro ng kontrobersiya ang sikat na fastfood restaurant na Jollibee.

Ito ay matapos mag-viral ang reklamo ng isang customer na nakatanggap ng ‘fried towel’ sa halip na Chickenjoy na kanyang inorder.

Sa Facebook post ni Alique Reyes, ibinahagi niya ang ilang larawan at video ng tinawag niyang ‘disturbing’ experience.

PHOTO: Facebook | Alique Reyes

Mabilis itong nag-viral sa social media at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa publiko.

Agad ding naglabas ng pahayag ang Jollibee hinggil sa issue at iniutos ang pansamantalang pagpapasara ng BGC branch kung saan nanggaling ang inorder na pagkain ng customer.

PHOTO: Facebook | Jollibee

Sa kabila ng nangyari, bumuhos pa rin ang suporta ng mga loyal customers ng Jollibee.

Maging ang ilang celebrities ay nagpahayag pa rin ng suporta sa kilalang fastfood chain.

Kabilang dito sina Regine Velasquez, Maja Salvador, at Angeline Quinto.

Samantala, nakarating na rin sa programa ni Raffy Tulfo ang nasabing usapin.

PHOTO: YouTube | Raffy Tulfo in Action

Dahil dito, nabaling ang atensiyon ng publiko sa customer na nagrereklamo at inakusahan pa ito ng ilang netizens ng kung ano-anong paratang.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: