Manager na nagtanggol sa Jollibee sa gitna ng kontrobersiya, naging instant ‘crush ng bayan’

Naging instant ‘crush ng bayan’ ang isang manager ng Jollibee matapos mag-viral ang Facebook post nito na nagpapahayag ng suporta sa nasabing fastfood restaurant sa gitna ng kinakaharap nitong kontrobersiya.

Sa post ni Mikee Camello na isang manager sa Jollibee Katipunan, binati niya ang Jollibee na walong taon na niyang kasama.

“HAPPY 8TH YEAR ANNIVERSARY JOLLIBEE!

“Kahit ano mangyari tandaan niyo lang lagi na andito kaming mga MANAGERS, CREW, ICF at GUARDS handang handa padin mag bigay ng maayos at magandang serbisyo 24/7.

“In every duty, we make sure that we do our best to serve GREAT TASTING FOOD and bring JOY to EVERYONE.

“STOP THE HATE, SPREAD THE LOVE!! #ProudJollibeeManager #BestOfJollibee #SaJollibeeBidaAngSaya #StayStrongLangBee #HindiLahatNagAartistaYungIbaNasaJollibeeLang ❤️❤️❤️”

Matatandaang nasangkot sa kontrobersiya ang Jollibee nang mag-viral ang reklamo ng isang customer na nakatanggap ng ‘fried towel’ sa halip na fried chicken na inorder nito.

PHOTO: Facebook | Alique Perez

Agad nag-viral ang post na ito ni Mikee.

Dinagsa rin ito ng mga komento mula sa netizens.

Kapansin-pansin na tila marami ang nabighani sa mga larawan na ini-upload niya kasama ng kanyang post.

Narito ang ilan sa sinasabi ng mga netizens.

“Pag inabutan ko to nung crew ako, maya’t maya pavoid ko. Maski holiday papasok talaga ako🤣”

“grabe ang pogi este ang wiwitty ng mga comment dito😂😂”

“Sarap ni sir este ng sprite pala”

“Wag kaung bastos savhin nio kung saang branch ng jollibee to manager 🤣🤣”

“Sir!! Wasakin niyo na po mundo ko. 🥺”

“Uwi kana bee, wag na mag OT, tapos na ko maligo, ayeeee beebee ko”

“Kahit brief mopa I fried mo kakainin ko talaga”

“parang gusto ko mag jollibee everyday sa JOLLIBEE KATIPUNAN”

“Pwede ako na lang alagaan mo sir heheheheh”

“Humayo tayo at mag pakarami sir! ❤️”

“Ayyyyy. Jollibee pa rin basta makikita ka sa branch sir.”

“hm pamasahe papuntang katipunan? matikman lang si sir este ung jollibee jaan🤣🤦”

“Sir para kang si jollibee napasaya mo ko sa KILLER SMILE mo🤣🤣”

“Kung ganito yung duty manager ko before sa jollibee for sure lagi ko sasarapan mag prepare ng chicken meal na serve hahahaha🤣”

“nagcrave ako sa jolly hotdog at yumburger hays”

“Pag ganito ka gwapo… Kahit isang box pa ng towels ung idrop nyo sa fryer, okey lng.”

Agad ding nahalungkat ng mga netizens ang mga larawan ni Mikee sa Facebook account nito.

Mas marami tuloy ang patuloy na nagpahayag ng kanilang paghanga dito.

Ikinalungkot nga lang ng ilan ang nahalungkat na larawan na may kasama itong isang babae.

Bagama’t walang ibang detalye, naniniwala ang ilan na taken na si Mikee dahil sa larawan na ito.

Hirit pa ng isa:

“Wag na tayo umasa. Masasaktan lang tayo. Or willing din kayong mag-apply na kabet kagaya ko? 😂”

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: