Larawan ng isang Grade 11 student na nakikisagap ng wifi sa hotel para sa module, nag-viral sa social media

Hinangaan ng netizens ang kakaibang dedikasyon na ipinakita ni Carla Radores, isang Grade 11 student sa Peñafrabcia, Naga, Camarines Sur.

Ito ay matapos mag-viral ang kanyang larawan sa social media kung saan makikitang nagsasagot siya ng module sa isang footbridge sa may Naga River.

Napili niya ang pwestong iyon kahit na dis-oras na ng gabi dahil doon siya nakikisagap ng Wi-Fi sa kalapit na hotel.

Ayon sa kanya, naghahabol siya ng deadline ng pagsa-submit ng module noong hatinggabi ng Mayo 31.

Dito siya nakuhanan ng larawan ng netizen na si Essel Bermundo na siya namang nag-upload nito sa Facebook.

Ayon sa caption ng post ni Essel:

“P A D A Y O N    K A B A T A A N”

“Yesterday @11:52pm. Saw this girl doing her modules while using  free wifi from the hotel nearby the Naga River. Kudos, gurl! Keep striving!❤️☝️🙏”

PHOTO: Facebook | Essel Bermundo

Matapos mag-viral ang nasabing post, muling nagbigay ng update si Essel.

“As of today, many Local and National media stations had featured this photo of mine and yes, this is an eye-opener to everyone that this situation does exist. I am honored that through my post our Kabataan’s voices were heard.

“I gladly announce that our Local Government of the City of Naga through the help of Mayor Nelson Legacion and Sir Ruel Oliver will offer the installation of FREE PUBLIC WIFI on Barangay Peñafrancia and will also include the 27 Barangays in Naga City.”

PHOTO: Facebook | Essel Bermundo

Sa ulat naman ng ABS-CBN news, ibinahagi ni Carla ang ilang detalye bago siya makuhanan ng larawan.

“Kakatapos ko lang kasi noon maghakot ng paninda po tapos last na para mag-submit kaya dinali-dali ko na pong tapusin tapos wala po kasi kaming Wi-Fi kaya naisipan ko na dito po ako maggawa.”

Sa kuwento ng kanyang ina, masipag at determinadong mag-aral si Carla.

Dahil sa pagpupursige nitong makaipon at makabili ng bagong cellphone na gagamitin sa pag-aaral, humiram si Carla ng puhunan sa magulang upang makapagtinda ng cheese sticks sa mga kaklase.

Natigil lamang ang pagtitinda niya nang ipagbawal ang face-to-face classes dahil sa pandemya.

“Masipag po ‘yan, ‘pag sa umaga kasama ko po ‘yan sa pamamalengke, tapos ‘pag ganitong oras alas-3, alas-4 [ng hapon] siya na po ang nagbubuhat ng ititinda naming mga ulam, pagkatapos po niyan magtutulong pa siya sa magtinda d’yan sa gabi.”

Maraming netizens ang nagpahayag ng paghanga sa ipinakitang determinasyon ni Carla sa pag-aaral.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Laban lang para sa pangarap.”

“Yung mga ganito ang siguradong may mararating sa buhay.”

“Matutupad ang mga pangarap nito. Sure na.”

“Naluha ako nang makita ko yung pics nya. Kapit lang!”

“Bakit kailangan muna mag-viral bago may gawin ang LGU?”

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!