Delivery rider na lumusong sa baha para makapaghatid ng order sa customer, hinangaan ng netizens

Viral sa social media ngayon ang video ng isang delivery rider na lumusong sa baha para lamang magawa nito ang trabahong makapaghatid ng order ng customer.

Sa post ni Christian Reyes Dabu, makikita ang paglusong niya sa hanggang tuhod na baha at paglalakad nang malayo para lang mapuntahan ang customer.

PHOTO: Facebook | Christian Reyes Dabu

Ang hirap. Laban lang. Ganun talaga. Laban para sa pamilya.

Ito na lang ang nasabi niya habang naglalakad at ipinapakita sa video ang layo na ng nalakad niya.

Kuwento pa niya, hindi raw kasi sumasagot ang customer kung kaya’t malas niya kung wala pala doon ang customer.

PHOTO: Facebook | Christian Reyes Dabu

Ayon sa caption ng post:

“Shopee Rider lang sakalam kahit anong unos susuungin para sa pamilya 🔥🔥🔥 R.S sa ating lahat malapit mag tag ulan . . .

“kaya sa mga customer namen jan sana wag naman po kayo mainit ulo samen sa mga konting pagkakamali sana po maintindihan niyo kami kung gaano nakakapagod at hirap ginagawa namen sa sobrang dami naming dalahin na parcel init ulan at covid pero patuloy parin kami at hindi sumusuko . . . yun lang po ingat sa ating lahat keep safe everyone…”

PHOTO: Facebook | Christian Reyes Dabu

Agad umani ng papuri mula sa netizens ang nasabing delivery rider.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Good job, kuya! Saludo ko sayo na gagawin ang lahat para sa pamilya!”

“Kaya sana sa mga customers dyan wag na masyado masungit.”

“Grabe! Di pa pwedeng excuse na baha kaya di nai-deliver? Delikado din yan ah”

“Bow ako sayo kuya! Goodjob!”

“Tapos magkano lang ang kinikita nila? Nasaan ang hustisya?”

“Kung kaya naman natin at nakakaluwag-luwag, wag kalimutang magbigay ng tip.”

“Saan mo iniwan motor mo, kuya? Baka mawalan ka ng parcel.”

“Kaya ako laging may pasobra ang bayad. Kahit pangmerienda man lang o pang-softdrinks ng delivery.”

Panoorin ang nasabing video dito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: