10-taong gulang na Pinoy, nagpabilib sa America’s Got Talent

Standing ovation ang tinanggap ng 10-taong gulang na si Peter Rosalita mula sa mga judges at audience ng America’s Got Talent.

Ito ay matapos niyang kantahin ang “All By Myself” sa kanyang audition para sa 16th season ng sikat na US talent show competition.

Si Peter ay ipinanganak sa Abu Dhabi, UAE, pero ipinagmamalaki niya ang pagiging Filipino citizen ayon na rin sa interview sa kanya bago siya sumalang sa audition.

PHOTO: YouTube | America’s Got Talent

Matapos ang kanyang pag-awit ay nakatanggap siya ng masigabong palakpakan at standing ovation mula sa mga hurado na sina Simon Cowell, Heidi Klum, Sofia Vergara, at Howie Mandel. 

Ang komento ni Simon:

That was an incredible audition. There were parts during the audition which literally gave me goosebumps. You have an amazing voice, an amazing personality, and amazing energy. Everyone is going to fall in love with you after this audition.

Sinabi naman ni Howie na malayo ang mararating na batang singer.

PHOTO: YouTube | America’s Got Talent

Ang hirit naman ni Heidi, tila may mababasag na salamin sa sobrang taas ng boses ni Peter.

Dagdag pa niya:

Mariah [Carey] better watch out.

Nakakuha siya ng apat na “yes” sa audition kung kaya naman pasok na siya sa susunod na round ng kompetisyon.

As of this writing, mayroon nang 15 million views ang kanyang audition video na naka-upload sa official Facebook page ng America’s Got Talent.

Sa Youtube channel naman ng show ay mayroon na itong 1.4 million views.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, pinasalamatan ni Peter ang lahat ng sumusuporta at naniniwala sa kanya.

Happiness comes in many forms and I am so blessed to have found it doing what I love the most – singing. I have #AGT to thank for making a small boy’s dream of having the world hear his big voice come true. Much love to all who support and believe in me.

Panoorin ang kanyang audition video dito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: